_ngayon
^

PSN Showbiz

Richard at Sarah, hindi na kailangan ng kasal

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Richard at Sarah, hindi na kailangan ng kasal
Richard at Sarah

Talaga naman napakalaking pangyayari ang pagka-postponed ng wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Imagine two days to go before the big event, in-announce na postponed muna ang kasal dahil nga sa sobrang epekto ng pandemic na COVID-19.

Para gawin mong dahilan ang isang bagay, sobra na talaga ang epekto nito.

Hay naku, buti na lang stable na stable na ang pagsasama nila Richard at Sarah kaya madali sa kanila ang desisyon na ito.

Yun nga lang, sayang ang matagal na preparas­yon at matagal na paghihintay.

Naku tiyak na sumakit ang ulo ni Annabelle Rama, siya pa naman ang major event planner ng mga okasyon ng pamilya nila.

Sure ako na naloka siya sa hindi inaasahang pangyayari.

Pero mabuti na rin dahil nga sa sitwasyon hindi magandang tingnan na parang keber ka sa pangyayari.

Good call Richard and Sarah. Best wishes pa rin dahil happy together naman kayo kahit wala iyon seremonya, married pa rin kayo sa isa’t isa at dalawa na ang baby boy n’yo. 

PBA apektado na rin

Dahil sa coronavirus pati laro ng PBA ay affected din ha. Excited pa naman si Pia Romeo at Dr. Pessumal Chandru sa laro nina Terrence Romeo at Von Pessumal pero hayun nga, nag-decide ang management ng PBA na unahin ang concern sa health ng mga player at manonood.

Sobrang overkill na ang coronavirus na para bang mas malala kesa sa SARS o Ebola.

Sobra ang naging takot sa COVID-19 at ginawang monster virus sa buong mundo. Hindi natin narinig o nakita nun ang ganitong takot na merong community quarantine, lockdown, travel ban, school closures.

Excited pa naman lahat ng basketball fans at sinabi ko pa naman kay Jun Lalin na alagaan sa tiket si Jun Nardo dahil siya ang manager ng Teng brothers.

‘Hay naku, iyong fans ni Terrence at Von, wait-wait muna kayo. Hindi natin alam kung hanggang kailan ang health scare na ito pero we better be careful. Sakit pa naman ito ng mga senior citizen, kaya scared din ako, huhuhu.

Pagpa-panic hindi nakakatulong

Dapat sa panahong ito tigilan muna ng marami ang pagiging mareklamo.

Totoo na medyo scary ang nangyayari, parang lahat first time sa atin pero huwag mag-panic.

Dapat iyon pa rin natural sense of humor ng mga Pilipino ang dapat umiral.

Kainis nga iyon mga OA na hoarder ng mga basic needs at  mga nagkakalat ng mga balita na akala mo paglabas mo ng bahay ayan na ang virus.

Kakaawa ang business at mga taong apektado.

Gamitin natin iyon natural na ugali ng Pinoy na akala mo lahat kaya, na lahat malalagpasan, dun tayo kilala, sa lakas ng loob at sa tibay ng dibdib.

Huwag patalo sa corona noh, ilagay lang siya sa ulo pero huwag hayaang pasukin ang dibdib natin at lagyan ng takot, i-knock down natin siya dahil diyan tayo champion.

To hell with coronavirus, hindi mo puwede talunin ang lahi ng Pinoy, lalaban kami, belat mo, hahaha!

RICHARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with