Magandang female personality wala nang pakialam sa bintang na yumaman sa milyonar­yong negosyante
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2020 - 12:00am

Maraming nahihiwagaan sa lovelife ng isang magandang young female personality. Naging kontrobersiyal ang kanyang pakikipagrelasyon, maraming nasangkot sa isyung pinagdaanan niya, hanggang ngayon ay may mga kuwento pa ring kakaiba na nag-uugnay sa kanya.

Ilang beses na niyang idenenay na walang kahit sinong milyonaryong businessman na nanliligaw sa kanya, wala raw katotohanan ang pagli-link sa kanya sa isang kilalang pangalan sa lipunan, pero bakit nga ba hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kuwentong ‘yun?

Kuwento ng aming source, “Tahimik lang siya, pero hindi nananahimik ang mga taong nagpapatunay na meron siyang karelasyong halos tatay niya na ang age.

“’Yun daw ang reason kung bakit siya nakipag-break sa boyfriend niyang young actor, ayaw raw niyang mamangka sa dalawang ilog, ganu’n ang kalat na kalat na kuwento tungkol sa kanya.

“Kumikita naman ang girl, malaki ang talent fee niya sa mga ginagawa niyang commercials, pero hindi pa rin ‘yun pinaniniwalaan ng mga sources na nagtataka kung bakit bonggang-bongga ang kabuhayan showcase niya!

“Paano raw niya naa-afford ang ganu’n, like ang pagpapatayo niya ng sariling bahay at pagkakaroon ng mga bonggang sasakyan? Hindi raw niya kakayanin ‘yun nang sabay-sabay!

“Pero kung may mga kuwentong ganu’n, e, may mga nagtatanggol naman sa young female personality, masinop daw siya sa pera, hindi siya masyadong splurge sa pagsi-shopping. Alam daw niya kung saan dadalhin ang pinaghihirapan niya,” balanseng kuwento ng aming source.

May duda ang kampo ng young female personality kung kanino nanggagaling ang mga kuwentong makasisira sa kanyang imahe. Hindi na raw kailangan pang i-memorize ‘yun dahil bigay na bigay na.

Patuloy ng aming impormante, “Kunsabagay, oo nga naman, may kampo nga palang patuloy na nangda-down sa kanya. Siya kasi ang tumutulong sa family nila, kaya gusto siyang pilayin ng mga taong ‘yun!

“Sila ang pinagdududahan ng kampo ng girl na ayaw tumigil sa kapapakalat ng mga kuwentong meron siyang milyonaryong karelasyon. Namatay na ‘yun, pero nabuhay uli, dahil naging busy na naman ang makinarya ng mga may gustong makakitang bagsak na bagsak siya!

“Pero deadma na lang sa kanila ang girl ngayon, bahala na sa buhay nila ang mga taong patuloy pa rin siyang binabaldado, palagi siyang naniniwala sa karma!

“Mamatay na lang daw sila sa sobrang inggit!” pagtatapos nang pagkadiin-diin ng aming source.

Ubos!

Kris gustong padalhan ng santambak na napkin

Nakilala namin ang mag-asawang negosyanteng sina Jeric at MJ San Agustin mula kina Manay Lolit Solis at Salve Asis sa set ng number one digital show na Take It... Per Minute, Me Ganu’n.

Sila ang may-ari ng So Sure, ang pads na napakalaki ng naitutulong sa mga kababayan nating madalas makaramdam ng pagdyinggel lalo na sa gabi, malaking abala sa mahimbing na pagtulog ang ganu’ng pakiramdam.

Swak na swak ang pinakamakapal na pads ng So Sure sa ganu’n, puwedeng kumarga nang mahigit na isang litro ng dyinggel ang kanilang produkto, ang mas manipis namang pads ay kailangang-kailangan ng mga kababayan nating palaging nakukulong sa traffic. Napakahirap bumiyahe nang nagmamakaawa ang ating pantog dahil sa pag-atake ng pagdyinggel.

Malaking-malaki ang magiging pakinabang sa So Sure pads lalo na ng mga kababayan nating bedridden na, ‘yun na ang ipinagagamit ngayon ng mga kaibigan namin sa kanilang mga maysakit na kapamilya, napakalaking ginhawa ayon sa kanila.

May isa pang produkto sina Jeric at MJ na mas naunang lumabas sa merkado, ang Jeunesse Anion napkin, sinsubaybayan ng mag-sawa ang IG post ni Kris Aquino at nu’ng ipakita ng aktres-TV host ang mga bahagi ng kanyang bahay ay nakita nina Jeric at MJ ang produkto nilang Jeunesse sa CR ni Kris.

At kumpirmado, ‘yun nga ang paboritong napkin ni Kris, green at violet ang kanyang ginagamit dahil hindi siya nagkakaroon ng allergy.

Bilang pasasalamat ay padadalhan nina Jeric at MJ ng pang-stock niyang Jeunesse Anion napkin si Kris, sasamahan na rin nila ‘yun ng mga produktong So Sure, para hindi na siya bumangon pa sa gabi na nagiging dahilan ng pagkahulog niya sa kama at pagkatalisod papunta sa CR.

Malawak na ang merkado ng So Sure at Jeunesse napkin. Mabibili ang mga produkto sa Mercury, Waltermart, Shopwise, Rustan’s Supermarket, Robinson at Southstar Drug.

Kung hindi man nabibili ang kaligayahan at kalayaan, ang pagiging kumpor­table ay nagagawan ng paraan, piliin lang natin ang mga produktong magbibigay sa atin nang mahimbing na tulog at kaginhawahan.

NEGOSYANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with