^
Jimuel target makasama sina Kathryn at Liza
Jimuel

Jimuel target makasama sina Kathryn at Liza

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay naipakilala na si Jimuel Pacquiao bilang isa sa pinakabagong ta­lent ng Star Magic. Masayang-masaya raw ang panganay nina Manny at Jinkee Pacquiao dahil bahagi ng nga­yon ng naturang talent ma­nagement arm ng ABS-CBN. “I’m very happy ‘coz ever since din, I got interested in acting. So I’m very, very happy naman na I’m part of Star Magic now. I don’t want to waste the opportunities na bini­bigay. And I’m new and I want to try a lot of things. Me, mahilig ako mag-try ng new things,” pahayag ni Jimuel.

Kahit marunong kumanta at sumayaw ay ang pag-arte daw talaga ang gustong gawin ng binata kaya pinaghahandaan niya ito. “Sa ngayon it’s just mostly studying acting. And siguro dance and acting workshops here and there para slow and steady. In the past it was mostly just in school,” paglalahad niya.

Ngayong nasa bakuran na ng Kapamilya network ay nangangarap si Jimuel na makatrabaho sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano. “That would be like a dream. Kasi they’re just really very good. And they’re very beautiful also. So it would be like an honor even just in a scene with them. It’d be nice,” pagtatapat ni Jimuel.

Claudine pinu-push ng manager para sa comeback

Tuloy na tuloy na umano ang pagbabalik-showbiz ni Claudine Barretto ayon sa kaibigan at manager ngayon na si Bianca Lapus. Ayon sa da­ting aktres ay ngayong taon nakatakdang bumalik si Claudine sa trabaho. “I’m one of her closest friends and I’ve been co-managing her with Star Magic since last year,” nakangi­ting bungad ni Bianca.

Kailangan daw pakaabangan ng mga tagahanga ang pagbabalik ni Claudine dahil talagang pinaghahandaan ito ng aktres. Para kay Bianca ay kailangang tulungan niya talaga ang kaibigan at alaga upang maging maayos ang pagbabalik nito sa show business.  “We’re just basically planning for her comeback. Now, we’re doing everything. Like right now nagda-diet siya, nagpapaganda, nagpapa-sexy. Pini-prepare niya ‘yung sarili niya to make a comeback. She’s really excited to work again. As a co-manager, siyempre dalawa kayong nagpu-push. Siyempre alam naman nating she’s one of the original babies of Star Magic talaga. It just really happened that she’s back with Star Magic. More than a co-manager, as a good friend also, I’m making other ways also para makatulong sa kanyang pagbabalik,” pagbabahagi ni Bianca.

Isang pelikula at isang teleserye ang nakatakdang gawin ni Claudine ayon kay Bianca. “We have an offer for a soap opera. ‘Yung movie nasa negotiations stage pa, but we’re just really focusing now on ‘yung ayusin talaga ni Claudine ‘yung sarili niya. We also have an offer from other network pero siyempre we’re prioritizing more siyempre ang kanyang pagiging tunay na Kapamilya,” pagtatapos ni Bianca.  (Reports from JCC)

JIMUEL PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with