Catriona
Catriona, Jericho at Misis, hinihintay ang resulta ng quarantine?!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2020 - 12:00am

Mga sosyal nahawaan ng bilyonaryang na-COVID sa Paris and Milan fashion shows

Wala pa ring update kung nagpa-quarantine na si former Miss Universe Catriona Gray na rumampa sa Milan Fashion Week.

Ang nagdala sa kanya doon na si Dra. Vicki Belo ay tested negative. “Hi everybody! I would like to thank all of you for your concern. I know you’ve been texting and sending me messages if I’m OK. It’s been two and a half weeks since I arrived from Milan Fashion Week and I have zero symptoms of anything,” sabi ni Dra. Belo sa kanyang Instagram story last Tuesday.

Eh si Jericho Rosales at wife niya kayang si Kim Jones na nasa Paris Fashion Week, nag-self quarantine din?

Nadale ng coronavirus ang Milan and Paris Fashion Week kung saan nag-positive ang magkapatid na Vietnamese socialite, jetsetter, heiress na invited at rumampa sa katatapos lang na fashion events sa Europe.

Ayon sa report ng South China Morning Post, nag-self imposed quarantine ang lahat ng mga andun sa Paris and Milan Fashion Week.

Pero ang magkapatid daw na nag-positive na sina Nga Nguyen at Nguyen Hong Nhung ay hindi umano agad umamin  na nag-attend sila sa fashion events kaya maraming nahawa na nakasabay nila sa flight.

Ayon sa report ng thetime.com.uk, seven Britist travellers na nakasabay flight pagkagaling ng Europe ang nahawaan.

Dumaan din daw muna ng London ang magkapatid bago dumiretso sa Vietnam kaya infected na rin ng virus ang auntie, driver nito at nakasama sa sasakyan sa UK.

Bukod pa raw ‘yun sa dalawang backpacker na nahawa rin daw ng magkapatid na anak ng bilyonaryo sa Vietnam ayon pa sa online reports.

Tinatawag sila ngayong super spreader ng mga netizen.

Kim aminadong ayaw magalit sa mga namaril

One week na pala since makaligtas sa ambush si Kim Chiu.

At kahapon ay balik-social media siya para magpasalamat na prinotektahan siya ni God matapos makaligtas sa walong bala ng riding-in-tandem. Wala pang resulta ang mga pulis sa nangyari.

Sinabi rin ni Kim na ayaw niyang magalit sa mga taong gusto pa siyang i-down after what happened.

“It has been a week since.... that day made me realize life is really short, life is very precious and most of all felt God’s presence he protected me, my PA and my driver,. None of us was hurt. He is really powerful amongst us all. I must say it was a miracle. I could not explain the feeling but I know he was with us and so our guardian angels. I want to thank my AbsCbn family Direk Lauren Dyogi who picked me up at taping and secured my safety all through out and abscbn bosses Tita Cory, Sir Mark and Sir Carlo to my StarMagic family Tita Mariole and Mr M, my handler Ate Edith and my sister Ate Lakam, to my friend Ranvel Rufino for urgently went on set with lawyers with him thank you sobra sa inyo. So many people helped me get through this I am blessed to be surrounded with these kind of people they dont have to do this ang dami na nilang pinoroblema but still they insisted to help me. Now everything is slowly unfolding and I am glad that I am alive despite........ I realized a lot of things., you discover people who are willing to help, people who care for you and people who just wants to bring you down. I don’t want to get mad at them or “hate” them., Puno ng pasasalmat ang puso ko, Im just happy that I am here posting another IG post and thanking HIM for this Precious life! Tuloy ang buhay!.

“I want to thank tita cory and tita mariole for the continuous update. Thank you for always checking on me. Atty Aby and Atty Edwin thank you. Papa God maraming salamat po. Now no need to be scared.  Kung wala ka namang ginagawang masama, there is no need to be scared. #grateful #Faith.”

Nauna nang nabanggit ni Kim na kung hindi siya natulog nung oras na niratrat ang van niya at nagbasa siya ng script na usually ay ginagawa niya, malamang pinaglamayan na siya.

CATRIONA GRAY KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with