Melai
Charo, naimpluwensiyahan ng daughter-in-law sa K-drama
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2020 - 12:00am

Maraming mga nahuhumaling ngayon sa pa­nonood ng Crash Landing On You sa Netflix. Pinagbibidahan ang naturang Korean drama nina Hyun Bin, Son Ye-jin, Kim Jung-hyun at Seo Ji-hye.

Isa si Charo Santos-Concio sa mga nagandahan sa programa. “Lagi akong nakikinig sa radyo, nanonood ng TV, nanonood ng sine. Ang dami ko nang inidolo. Hindi naman ako nanonood ng K-drama. Pero sabi nga ng aking daughter-in-law, ‘Mom, you should try watching Crash Landing On You.’ Naku! First episode pa lang,” pagbabahagi ni Charo.

Ayon sa ABS-CBN executive ay talagang magaling ang mga artista at ang mga pagkakaganap nito para sa nasabing K-drama. “Siguro dahil nag-fit ‘yung actors din doon sa characters, hindi mo na mahihiwalay kung sino si Hyun Bin from Captain Ri, and from sino si Yoon Se-ri (Son Ye-jin). Parang it’s a fairy tale. Some things, sequences may not be realistic but I did not mind. I dove into the fantasy of two star-crossed lovers na a modern day Romeo and Juliet,” giit niya.

Aminado si CSC na talagang hindi na niya mapalampas ang bawat episode ng Crash Landing On You dahil sa magandang istorya at mga eksena nito. “Sumakay na ako talaga and I would swoon they would have this encounter. Tapos hindi mo alam kung matutuloy ba sila or hindi. Tapos ‘yung mga kissing scenes nila were very well calibrated. They gave you just enough so you end up wanting for more and then you’re rooting na for them. Nakaka-happy siya at alam mo na babalikan at babalikan ko siya kung may mga pagkakataon mang malungkot tayo,” pagtatapos ng aktres.

Melai, aminadong pinagselosan si Ivana

Kamakailan ay nagkaharap na sa kauna-unahang pagkakataon sina Melai Cantiveros at Ivana Alawi sa Magandang Buhay.

Napabalitang pinagseselosan ng TV host ang sexy actress dahil madalas tinitingnan ng asawang si Jason Francisco ang mga larawan at videos nito sa social media. “Gusto ko lang sabihin sa iyo, Ivana, na crush din kita. Kasi talaga namang mara­ming makaka-relate sa may mga asawa at may boyfriend. Bakit sino ba ang tinitingnan mo sa cellphone, patingin, ‘Huh! Ivana, nag-iba ka na.’ Parang gano’n,” nakangiting pahayag ni Melai.

Magbibida si Ivana sa teleseryeng Ang Lihim Ni Ligaya na malapit na ring mapanood sa ABS-CBN. Ayon kay Melai ay sobrang proud siya sa naabot ng dalaga. “Talaga namang nakaka-proud si Ivana, ang sexy. Ang beautiful at ang bait, mabait talaga siya,” dagdag pa ni Melai.  (Reports from JCC)

CHARO SANTOS CRASH LANDING ON YOU MELAI FRANSICO NETFLIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with