Pulitikong target sa pamamaril kay Kim, itutuloy na ang paglantad
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2020 - 12:00am

Hinihintay na ngayon ang official statement ng totoong target sa naganap na ambush kay Kim Chiu last week.

Ito ang isa sa napag-usapan sa no. 1 digital talkshow na Take It... Per Minute! (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu kahapon.

May nauna na ngang source na nagsabing pulitiko ang tunay na target na may mga anak kaya ingat na ingat ang mga pulis na imbestigahan ang kaso.

Susog ng source ng Take It... malaking tao talaga ang target at kasalukuyan na itong nakikipag-usap sa kanyang mga lawyer.

Last week pa sana ito magsasalita pero ayon sa source, ay inaayos na mabuti kung paano ilalabas sa media.

Nauna nang nabanggit ng isa pang source na congressman ang totoong target ng riding in tandem na rumatrat sa sasakyan ni Kim. Nagkataon daw kasing pareho ng kotse at same village rin sila ng actress sa Quezon City.

Anyway, hindi rin pinalagpas ng tatlong batikang showbiz talk show hosts si Jay Sonza na numero unong sawsawero ng bayan sa kasalukuyan.

Hihihi. As if naman kasi si Kuya na hindi na lang maghanap ng programang sasamahan kesa mang-nega sa social media.

Anyway, si Manay Cristy nga pala handang magpakulong pag may nag-dialogue na payat si Karla Estrada.

Aliw naman ang blind item ni Mr. Fu na napagkamalang transgender ng isang Angkas driver si Phoemela Barranda.

Hahaha. One time raw kasi ay nag-Angkas si Phoemela dahil sa terrible traffic eh may hosting raket ito. Nakarating naman daw itong on time sa commitment, ‘yun nga lang, nang-imbyerna ang motor driver at tinanong ito kung transgender siya.

Hindi na raw naka-react ang TV host at dinedma na lang.

Actually, blind item sana talaga ‘yun pero as usual, binuko ni Manay Lolit ang pangalan niya.

‘Yan at marami pang iba ang pinag-usapan kahapon sa TIPMMG kasama na ang tungkol sa kinatatakutang CO­VID-19.

Wala pa nga palang reaction si former Miss Universe Catriona Gray kung magpapa-quarantine siya matapos mag-positive ang magkapatid na socialite at anak ng bilyonaryang Vietnamese sa COVID-19 na rumampa rin sa Milan and Paris Fashion Week.

Dumiretso si Catriona sa La Union pagkaga­ling sa Milan at siguro nga ay ok na ok siya kaya hindi na siya nag-self quarantine.

Maki-team replay sa TIPMMG sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON at PSN Latest Chika kung hindi ninyo napanood ang live episode nito kahapon.

ABS-CBN at GMA 7, wala nang live audience sa lahat ng programa!

Hindi na rin muna tatanggap ng live audience ang mga show ng ABS-CBN.

“Nagdesisyon ang ABS-CBN na pansamantalang ihinto ang pagpapapasok ng studio audience sa mga palabas nito simula ngayong araw (10 March 2020) matapos magdeklara ang gobyerno ng state of public health emergency. Kabilang sa mga apektadong programa ang It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, Banana Sundae, I Can See Your Voice, at iWant ASAP.

“Ang kaligtasan at kapakanan ng aming mga manonood, artists, crew at production team ang pinakamahalaga para sa amin. Responsibilidad nating lahat na tumulong sa pag-iwas ng pagkalat ng COVID-19.

“Maraming salamat mga Kapamilya para sa patuloy na pagsuporta, pag-unawa, at pagtangkilik sa aming mga programa,” ang buong statement ng ABS-CBN.

Kahapon din ay naglabas na rin ng advisory ang GMA 7 tungkol sa live audience ng mga programa nila.

“In view of the declaration of the state of public health emergency and other recent developments related to the COVID-19 outbreak, GMA Network is temporarily suspending the admission of live studio audiences in all of our programs such as All-Out Sundays, Centerstage, Mars Pa More, Wowowin, Wowowin Primetime, Idol sa Kusina, The Boobay and Tekla Show, Sarap ‘Di Ba?, and Tonight With Arnold Clavio.

“Further, all of the Network’s external activities and events in Metro Manila are also put on hold until further notice.

“These measures are being undertaken to help ensure the safety and well-being of all concerned and as part of GMA’s cooperation with the government in its efforts to contain the spread of COVID-19. We strongly urge everyone to remain calm and cautious, and to follow the official advisories released by the authorities.”

Ang Eat Bulaga ang unang nag-decide na ‘wag munang magkaroon ng live audience noong Monday.

KIM CHUI TIPMMG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with