Kim
Mga malisyoso, hindi na tama ang panghuhusga
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2020 - 12:00am

Naku naman, hindi naman siguro fair iyon hinala ng iba na ‘gimmick’ iyon nangyari kay Kim Chiu. Una, never nakilala si Kim na mahilig sa gimmick, pangalawa, hindi ganun kadelikadong bagay ang gagawin mong gimmick, eh kung may tinamaan at mamatay? Sana naman sa ganitong pagkakataon maging fair at huwag ng maglagay malisya sa isang bagay na kung hindi ka siguro naging masuwerte baka may nasaktan pa. 

Basta kahit hindi ako fan ni Kim Chiu, nan­dun ang paghanga ko sa kanya dahil sa nangyaring ito. Siya ang patunay na pag gusto mo gawin ang trabaho mo, magagawa mo at hindi kailangan ang alibi. 

Muntik nang mamatay, nag-taping parin, siguro nga hindi agad nag-sink in sa kanya ang takot, at delayed ang naging reaction niya. Pero kahit ano pa sabihin, bravo Kim Chiu, wow na wow ka talaga.

Pacman marunong humawak ng pera

 Palagay ko sa history ng mga boxer natin sa Pilipinas, si champ Manny Pacquiao lang ang boxer na will go down the history na naging mayaman at bumuti ang buhay. Maliban kay Flash Elorde, lahat halos ng naging boxers hindi nagtagal at nababalitaan mo na purita (poor) sa naging buhay nila. Hindi kataka-taka na si Manny Pacquiao ang icon at idol ng halos lahat ng nasa sports, paano nga, heto makita mo ang mga mansion, maluhong sasakyan, mga gamit na talagang kaiinggitan ng lahat. 

Ang isa lang masarap sa pamilya Pacquiao iyon nanatili silang mabait at mapagkumbaba, magalang, hindi nagbago, kaya naman ikaw mismo gusto mong patuloy siya magtagumpay. Ang bait ni Jinkee, ang galang ng mga anak, kaya siguro blessed sila. Bongga talaga, isa talaga Pilipino pride, Manny Pacquiao, champion talaga. 

Cris namana ng anak ang pagiging hands on sa negosyo

‘Di ba Salve favorite mo sina Gino Roque at Javi Benitez? Alam mo ba, ang suwerte naman ni Cris Roque ng Kamiseta kasi ang anak niyang babae na si Alexandra Roque ang siya naman namamahala ng cosmetic line nila, ang M&Co. 

Si Rhian Ramos ang endorser ng cosmetic line ng M&Co at si Alex Roque talaga ang focus na focus sa merchandising nito at talaga naman tuwang-tuwa si Cris Roque dahil bata pa ang mga anak hinaharap na ang mga negosyo nila tulad ng Kamiseta apparel, Kamiseta Hotel, Vanilla pastries, M&Co cosmetics, Vantage products at Kamiseta Skin na lumalaban na ngayon sa mga beauty clinics dahil marami na talagang branches, endorsers pa nila sila Cristine Reyes at Ellen Adarna. 

Kausapin ko si Cris Roque Salve para maglagay din ng spot sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) dahil very supportive din si Cris Roque sa atin.

KIM CHUI MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with