CLOY Cast
Mga naadik sa Crash Landing... tinawag na imoral
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2020 - 12:00am

So ‘yun nga, tinawag na walang hiya at imoral ng diumano’y propaganda media outlet ng Pyongyang (North Korea) ang mga nanood at nag-enjoy sa Korean drama na Crash Landing On You.

Ayon sa lumabas na article sa Korean Herald, kinondena nito ang productions sa pagbuo ng nasabing kuwento ng ‘tragedy of separation’ para pagkakitaan.

Tinawag din nila itong “unacceptable and atrocious provocation.”

Wala naman daw binanggit na title sa nasabing article sa propaganda media outlet ng Pyongyang pero alam mo raw na ang pinag-uusapan ay ang Crash Landing On You na kuwento ng isang heiress na napadpad sa North Korea nang magkaroon ng tornado habang nagpa-paragliding at tinulungan ng isang North Korean soldier at doon sila nagka-inlaban.

Literal na nabaliw ang maraming Pinoy sa Crash Landing On You starring Hyun Bin and So Je-Yin.

CRASH LANDING ON YOU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with