^

PSN Showbiz

Arci bagong dyowa ni Baste Duterte

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Arci bagong dyowa ni Baste Duterte
Arci Muñoz

Karla nagbanta ng demanda

Oww sila Arci Muñoz at Baste Duterte na pala?

Yup, ang anak daw ni Presidente Digong ang current dyowa ng sexy actress na tsinugi na pala sa afternoon teleseryeng Pamilya Ko ng ABS-CBN dahil ayon sa source ng Take It... Per Minute (Me Ganun) na kinuwento ni Nay Cristy Fermin kahapon, aligaga ang buhay nito sa kaka-travel bago pa man nagkaroon ng coronavirus.

Bukod daw kasi sa lovelife, abala si Arci sa pagta-travel dahil sa pagsunod sa kanyang K pop idol na BTS kaya nahirapan daw ang production ng Pamilya Ko kung makakapag-taping ba ito o hindi kaya tsinugi na lang ang sexy actress last week.

Kung sabagay bukod sa pagsunod sa mga concert ng BTS, naglibot din sa anim na Disneyland si Arci ayon sa mga social media post niya last year.

Nakaikot niya ang Disneyland Shanghai, Florida, California, Paris, Tokyo and Hong Kong.

Eh anim lang ang Disneyland sa buong mundo kaya sosyal siya. “Once upon a time, there was a little princess who only dreams of going to all the Disneyland in the world . . . Believe in the magic! Dreams do come true,” sabi niya sa caption niya sa photos niya sa IG.

Anyway, wala pa siyang inaamin tungkol sa issue sa kanila si Davao Vice Mayor Baste Duterte na ex ni Ellen Adarna. Maging si VM Baste ay walang makapagsabi kung sila na nga ba officially.

Isa pang mainit na pinag-usapan kahapon sa no. 1 digital talk show nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy and Mr. Fu ay ang tungkol kay Karla Estrada na diumano’y nagbabanta ng cybel libel.

Medyo umaalsa ang inis nina Manay Lolit at Manay Cristy dahil kilala raw nila noon pa si Karla, noong panahong nag-uumpisa pa lang ang career nito at kailangan niyang manghingi ng tulong sa mga kaibigan.

Aba ngayon, may nalalaman pa raw siyang pagbabanta.

Hindi nakapagpigil ang dalawang veteran talkshow host at tinawag talaga nilang starlet ang nanay ni Daniel Padilla.

Pinag-usapan din sa programa ang tungkol sa nangyari sa bodyguard ni Sarah na ‘inayos’ ni Boss Vic del Rosario.

Ayon sa source, si Mr. Raffy Tulfo diumano ang nagdala sa guard kay Boss Vic at doon na nagkaayos. Ang hiningi pa raw sana ng guard nung una ay P1.5 million for settlement, pero siyempre too much naman yata ‘yun.

Nagpa-Tulfo nga ang nasabing bodyguard na nagngangalang Jerry Tamara dahil diumano’y sinuntok siya ni Matteo sa naganap na secret wedding nina Matteo at Sarah Guidicelli two weeks ago.

Wait, asan na kaya si Mommy Divine?

Anyway, isa pang chika kahapon ay ang aksidenteng kuwento ni Atty. Ferdie Topacio sa programa ni Nay Cristy sa Radyo Singko tungkol sa panganganak ni Anne Curtis.

Si Nico Bolzico pala, husband ni Solenn Heussaff na sister ng husband ni Anne na si Erwan ang nag-chika sa kanya na itinawag naman ni Atty. Topacio kay Nay Cristy na probably ay hindi pa siya (Atty. Topacio) aware na wala pang post sina Anne and Erwan. Hanggang kahapon ay walang post sina Anne at Erwan tungkol sa baby nila.

Naging guest naman si Myrtle Sarrosa na kakalipat lang ng GMA 7. In all fairness, binagayan si Myrtle ng black hair at parang nawala ang image ng pagiging cosplayer niya.

Mapapanood siya sa Sabado sa programang Tadhana hosted by Marian Rivera.

Anyway, ‘yan at marami pang exciting na chika ang napanood sa TIPMMG na nag-start na ang year 2 kahapon.

Bongga, parang kelan lang nung na-excite akong pagsamahin sina Manay Lolit at Manay Cristy sa isang talk show na oo nga’t parehong showbiz authority pero hindi ever nagkasama sa isang show. Lagi silang magkatapat. Pero mas naging exciting nang makasama si Mr. Fu.

Salamat sa mga matiyagang naghihintay sa TIPMMG, lalo na sa mga kababayan natin sa abroad na talagang nakakatuwang marinig at mabasa na ang programa ang nagiging pantanggal nila ng homesickness.

Maki-team replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON Facebook page kung hindi pa kayo nakaka-panood.

vuukle comment

T BASTE DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with