_ngayon
^

PSN Showbiz

Enchong gustong maging mayaman lahat ng Pilipino

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Enchong gustong maging mayaman lahat ng Pilipino
Enchong

Maraming mga humihikayat kay Enchong Dee na tumakbo sa eleksyon upang magkaroon ng puwesto sa gobryerno at makapaglingkod sa mga kababayan. Para naman sa aktor ay maaari siyang makatulong kahit hindi siya maging politiko pero ordinaryong mamamayan lamang. “Sa totoo lang ayaw ko talaga. Ang dami ring nagsasabi sa akin na tumakbo. Kasi ‘yung public service pwede mo siyang gawin kahit hindi ka nakaupo eh,” bungad ni Enchong.

Madalas na nagpapahayag ng kanyang saloobin ang aktor sa social media tungkol sa mga nangyayari sa sambayanan. “Alam naman natin kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng pulitika. So mas okay na rin ako na tahimik ang buhay ko saka walang presyo eh. ‘Yung lalabas sa bahay mo safe ka, walang nakatingin sa ‘yo o tatarget sa ‘yo. Lagi kong sinasabi walang presyo ‘yung peace of mind. Ako naman ang punu’t dulo ko naman mahal ko lang ang bansa. Gusto ko lahat ng Pilipino mayaman, gusto ko lahat tayo mayaman. ‘Yon lang naman ang gusto ko eh. And if I can do it in a way na wala ako sa gobyerno, mas okay ako. ‘Yon na lang siguro ang gagawin ko,” pagbabahagi ng aktor.

Marco, nanggigil kay Lovi, nailabas ang dila sa kissing scene

Bukas ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Hindi Tayo Pwede na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Tony Labrusca at Marco Gumabao.

 Maraming maiinit na eksena ang matutunghayan sa naturang proyekto at isa na rito ang pakikipaghalikan ni Marco kay Lovi na nailabas pa raw ang dila ng aktor. “Normal na kasi para sa akin ‘yung kissing scene. And when you kiss a person kasama naman kasi ‘yan, ‘yung may tongue. Kasi with tongue hindi na siya bago. Hindi siya nakakagulat if you find out that two people who love each other kiss with tongue,” paglalahad ni Marco.

Para sa aktor ay ibinagay lamang din niya sa kanyang karakter ang mga ginawa sa pelikula. Nailabas daw ni Marco ang dila dahil sa panggigigil na mahalikan ang karakter ni Lovi. “Ako sa nakita ko dito, ‘yung character kasi namin ni Lovi especially for my part na ako ‘yung best friend na ang tagal ko na siyang gusto. So nando’n ‘yung excitement to kiss her, to touch her because nakikita mo na ‘yung workmate mo na mahal mo, may boyfriend ng iba. So now that you have the chance to show your love to that person siyempre mag-all out ka sa pagmamahal sa kanya. Actually hindi ko naman iniisip ‘yung tongue eh, because ‘yung tongue is kasama naman sa love scene ‘yon. ‘Yung pagka-passionate ng eksena, ‘yung pagkagigil mo na makasama ‘yung minamahal mo, ‘yon talaga ‘yung true meaning ng love scene namin,” makahulugang paliwanag ng aktor. Reports from JCC

 

 

ENCHONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with