^

PSN Showbiz

Mommy ni Charice, may sinabi kay Mommy Divine

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mommy ni Charice, may sinabi kay Mommy Divine
Jake

Sinasabi nga nila, siguro ang nakapagbigay ng isang logical advise tungkol sa nangyari kay Sarah Geronimo at sa nanay niyang si Divine, ay wala nang iba kung di si Racquel Pempengco. Iyan kasing si Racquel ay nagkaroon din ng hindi pagkakaintindihan sa kanyang anak na si Charice Pempengco o mas kilala na ngayon bilang Jake Zyrus, nang piliin nito na makisama sa isang kapwa niya babae. Bagama’t alam naman siguro ni Racquel na ang anak niya ay isang lesbian, nabigla pa rin siya sa piniling gawin nito.

Naging kontrobersiyal din si Racquel noon pero napatunayan noong bandang huli na tama siya dahil hindi rin naman nagtagal ang relasyon ng kanyang anak na unang babaeng pinakisamahan nito. Naghiwalay din sila at ngayon nga ay iba na naman ang kinakasama ng kanyang anak.

Siguro nagsawa na rin si Racquel, kaya hindi na siya nakikialam sa kanyang anak ngayon. Pero may isa pang sinabi si Racquel na tumama, nawala rin ang career ni Jake Zyrus.

Ang sinasabi niya ngayon, mali rin ang ginawa ni Sarah. Mas tama raw siguro na sinabi na ni Sarah sa kanyang ina na mag-aasawa na siya at “ayaw man ninyo, hindi na ninyo mapipigil” kaysa sa inilihim sa kanyang mga magulang ang lahat.

Talaga nga namang masasabi ni Mommy Divine na “tinraydor ninyo ako.” Hindi mo naman masasabing sinasakal ni Mommy Divine si Sarah. Napupuntahan nga niya si Matteo sa Cebu nang walang bodyguard. Nakikita silang nakakapag-date nang silang dalawa lamang. Kaya hindi mo rin masasabi na tutol na tutol si Mommy Divine sa relasyon.

May mga bagay nga lang siguro siyang gustong ilagay sa ayos para mapangalagaan din ang kapakanan ng kanyang anak. Masabi mang pakikialam iyon, natural iyon sa nanay.

John Lloyd at Sarah bagay uling magtambal

Bago rin ang naging kasal ni Sarah kay Matteo, ang sinasabi ng ilang observers maaaring makagawa ulit ng isang napakalaking hit movie si Sarah ngayong magbabalik na si John Lloyd Cruz matapos ang isang taon ding pagtalikod niya sa kanyang career.

Ang highest grossing movie ni Sarah ay ang It Takes A Man and A Woman kung saan ang kasama niya ay si John Lloyd Cruz. Umabot iyon sa mahigit apat na raang milyon, at kung iisipin na mura pa ang admission pri­ces sa sine noong mga panahong iyon, aba eh napakalaking hit nga noon.

Talaga namang ang pinakamalakas na leading man ni Sarah ay si John Lloyd. Hindi pa kasi sila nagkakatambal ni Matteo, at mukhang wala pa namang planong ganyan sa malapit na hinaharap.

Ngayon kung pagtambalin silang muli ni John Lloyd, ganoon pa rin kaya ulit?

Direk nag-milagro na naman sa Tagaytay

Kababalik pa lang ng Tagaytay sa normal matapos ang pagsabog ng Taal, pero nakagawa na agad ng milagro si direk doon.

Ayon sa isang kakilala naming chef sa isang hotel sa Tagaytay, nakita niya si direk na lumabas sa hotel, kasama ang isang baguhang sexy male star, at ang sinasabi niya “mukha silang bagong gising.”

“Mukhang masaya at lively naman si direk, pero ang male star mukha namang nanlalambot, kaya hindi mo maiiwasang may maisip na medyo hindi tama,” sabi ng aming source.

Eh ano pa nga ang maiisip mo kung ganoon ang makikita mo?

CHARICE PEMPENGCO

RACQUEL PEMPENGCO

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with