^

PSN Showbiz

Heart nagpasilip ng boobs sa pictorial

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart nagpasilip ng boobs sa pictorial
Heart

Daring si Heart Evangelista sa latest photo niya sa Instagram na ang sabi ng isang malapit sa fashion influencer ay pictorial para sa isang high end jewelry store na ini-endorse niya.

“Treasure yourself every single day,” ang caption ni Heart sa kanyang  semi-nude photo kahapon.

Talaga kasing may pasilip ng tagiliran ng boobs ang misis ni Gov. Chiz Escudero na sa rami raw ng damit niya, bakit kailangang mag-nude pictorial.

Hahaha.

Anyway, ayon sa isang close kay Heart, naghahanda na ang actress / fashion influencer para sa kanyang 9th painting exhibit sa March sa Metropolitan Museum.

Pang 7th time niya raw ito na local exhibit at naka-dalawang international exhibit na pala siya, sa Singapore and Hawaii.

Lahat daw ng paintings sa nasabing exhibits, sold out except for four pieces na ayaw ibenta ni Heart ayon sa source.

Pero 52 paintings na raw ang nabenta.

Ayaw ibigay ng friend ni Heart kung magkano ang per piece nito pero hindi raw ito mura.

Walong dokyu ng ABS nominated sa NY Awards

Nakakuha ng walong nominasyon ang mga dokumentaryo ng ABS-CBN sa 2020 New York (NY) Festivals TV & Film Awards.

Anim sa walong finalist ang likha ng ABS-CBN DocuCentral, kabilang ang HIV Rising ni Korina Sanchez-Roxas tungkol sa tumataas na kaso ng HIV sa Pilipinas, at ang Invisible na tumalakay naman sa mga isyu sa usaping mental health.

Nominado rin ang Ang Babae ng Balangiga tungkol sa bayani ng Balangiga na si Casiana Nacionales, ang Tao Po ng #NoFilter tampok ang isang ina at kanyang anak na may espesyal na pangangailangan, at ang Tigdas ng naka-hiatus na Red Alert, tungkol naman sa epekto ng sakit na ito lalo na sa mga bata. Ang tatlong ito ay gawa ni Jeff Canoy, na nagwagi na dati ng NY Festivals Gold World Medal award.

Muli ring napansin ang Local Legends, isang dokyu serye na gawa rin ng DocuCentral at nanalo na sa NY Festivals. Finalists ang mga episode nito tungkol kay Ric Obenza, na inaalay ang buhay sa pangangalaga sa mga kagubatan sa Davao, at tungkol sa kinikilalang ama ng Philippine glass sculpture na si Ramon Orlina.

Kumukumpleto sa mga nominado mula sa ABS-CBN News ngayong taon ang dokumentaryong Alab (Ablaze), isa pang likha ng DocuCentral. Tungkol ito sa katapangan at pagkakaisa ng mga Pilipinong bombero.

Iaanunsyo ang mga panalo sa 2020 NY Festivals TV & Film Awards sa darating na ika-21 ng Abril, 2020, sa Las Vegas, Nevada, USA.

Tulad ng nakaraang taon, naimbitahan muli sina ABS-CBN Integrated News head Ging Reyes at ABS-CBN Integrated Creative Communications head Robert Labayen na mapabilang sa Grand Jury na siyang pipili ng mananalo sa mga finalist mula sa buong mundo, habang kabilang din si Reyes sa Advisory Board ng kompetisyon.

Crash landing star na si Son Ye Jin apektado sa pagkalat ng coronavirus sa Korea

Ang daming Korean stars na nagdo-donate para tulungan at labanan ang pagrami ng novel coronavirus sa kanilang bansa.

Kabilang sa nagbigay ng 100 million won ang Crash Landing On You star na si Son Ye Jin. “Daegu is my hometown, where I was born and raised, as well as the place where my parents live now. So it is a particularly special place for me, and the news of the COVID-19 outbreak in Daegu was especially heartbreaking for me,” sabi sa article na lumabas sa Soompi.com

“I hope that [my donation can provide some sort of practical help to lower-income residents who desperately need help now more than ever, as well as aid in the treatment and prevention of COVID-19.”

Everybody’s favorite si So Ye Jin sa kasalukuyan dahil nga sa K drama na Crash Landing On You nila Hyun Bin na may hangover pa ang ibang mga nakapanood na Pinoy.

Aside from her, nag-donate din ang Korean actor na si Gong Yoo (Train To Busan and Goblin) ng 100 million won din para pa rin sa mga biktima ng coronavirus sa South Korea.

Same amount din ang dinonate nina actor Kim Woo-bin at actress na si Suzy.

Ang Korea ang pangalawa sa may pinaka-maraming kaso ng coronavirus after China na pinagmulan ng Virus.

As of yesterday, more than 2,000 na ang COVID-19.

Nauna nang nag-issue ng travel ban sa Korea ang Department of Health na ikinalulungkot ng maraming Pinoy K drama fans.

 

 

vuukle comment

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with