Mattteo at Sarah
Sarah at Matteo ayaw maging circus ang church wedding
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 29, 2020 - 12:00am

Tatlong tao ang very prominent sa lovestory nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na tumulong para maging ganap ang kanilang memorable wedding. Sina Boss Vic del Rosario, Virgie Ramos at Dra. Vicki Belo. Sila ang mga taong naging matibay nilang guide para ituloy ang kanilang longtime plan na maging Mr. and Mrs.

Of course andiyan si Jojie Dingcong na naging very cooperative rin para matupad ang very private wedding nila sa civil rites, at sure ako na itong tatlo na ito ang pinagkatiwalaan nila para rin sa pagpaplano ng kanilang church wedding.

Saka ang tipo nina Sarah at Matteo na ‘yun lang talagang close sa kanila ang gusto nila na maging parte ng kanilang big day. Mukhang ayaw nila ng circus o showbiz wedding na nakakaloka ang dami ng entourage.

Ito ang masasabi mong most awaited wedding dahil ang ganda ng subplots at dami ng exciting na pangyayari. Hahaha. Basta maganda rin ang en­ding. Bongga love conquers all odds.

Mabuhay ang bagong kasal.

Second lead kinakikiligan kesa sa mga bida!

Tinanong ako ni Mario Bautista kung bakit mas na-e-excite ang viewers na tulad ko sa second lead role tulad sa Descendants of the Sun.

Actually, ‘pag naging addict ka ng Koreanovela, mapapansin mo na ‘yung subplot ng second lead na kung minsan ay mas exciting pa sa story ng bida.

Kaya nga ‘di ba mas madalas na ang napapansin ko ay ‘yung second lead dahil mas tumatatak ang story niya sa utak ko.

Ang ganda ng story telling na ‘yun ‘pag in-incorporate ang subplot, makakadagdag sa ganda ng buong istorya.

Kung hindi lang kinikilig ang lahat sa dalawang SongSong (Song Joong-ki and Song Hye-kyo) sa Descendants... noon, ‘yung istorya ng sgt. at ng captain na doktora ang mas exciting -  yung ayaw ng tatay na general dahil doktora at mas mataas ang ranggo ng anak niya sa sarhento at ‘yung muntik nang mamatay dahil sa virus ang doktora, at hindi mo alam kung tatanggapin ng amang general ang sarhento para sa anak. Ganun kaya mas exciting sa ending.

Gaya sa Crash Landing on You, ‘yung lovestory nina Alberto at Dan ang iniyakan ko at tumatak sa utak ko. Ganundin sa Love in the Moonlight, ‘yung pagkamatay ng character ni Jin Young ang kinainlaban ko kaysa sa bidang si Park Bo-gum.

Sa Korean story, kahit second lead ka, meron kang moments. Markado ‘yung role mo, hindi ka lang dekorasyon. Sana ganun din sa atin. ‘Yung ta­lagang bibigyan ng importansiya ang second lead at in the end ay mag-shine din sila.

Mga Pinoy survivor kahit saan!

Siguro nga, Salve, iba ang physical toughness ng mga Pilipino kaysa sa ibang mga Asyano.

Tingnan mo, grabe na ang coronavirus sa Korea at Japan pero ang mga Pilipino dun lang sa mga nagtrabaho sa mga bansang affected tinamaan. Tayo, kahit pa sabi­hing maraming kulang sa gamot, medyo mas lax ang health facilities, survivor talaga. Clap clap sa mga health worker ha, non-stop ang trabaho, walang takot na sumusugod para tumulong. Iba talaga ang tibay ng Pinoy lalo pa siguro pag world class na mga facilities natin, lalo pang bongga.

 

 

SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with