Nathalie
Matapos ang matinding depression Nathalie, hindi takot sa coronavirus!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2020 - 12:00am

Nakaranas ng verbal abuse si Nathalie Hart sa ex partner niyang Indian nung time na magka-live in pa sila.

At ang ginamit na panumbat sa kanya, ang pagiging sexy star niya kahit alam naman nitong ‘yun talaga ang trabaho niya.

Kaya naman pagkapanganak niya, nagkaroon siya ng matinding postpartum depression.

Nag-travel siya nang nag-travel sa Australia, India and Philippines kasama ang anak nilang si Penelope.

Ang gusto raw kasi ng boyfriend niya noon ay maging plain housewife lang siya na tipong mag-aalaga lang siya ng baby, naglilinis ng bahay, as domesticated pero naisip niyang mas gusto niyang magtrabaho / mag-showbiz.

Kaya naman nag-decide siyang bumalik ng bansa. Naalala niyang halos mabaliw-baliw siya sa India dahil wala siyang makausap na marunong mag-English.

Ngayon ay wala muna siyang planong ma-in love ulit. Aminado siyang nagka-trauma siya sa naging experience niya.

Six months lang silang magkakilala noon ng guy nang mabuntis si Na­thalie.

More than a year na ang baby nilang si Penelope.

Ngayon ay apat na pelikula ang gagawin niya at aalis siya papunta ng Japan para sa pelikulang Steal. Thankful siya sa manager na si Leo Dominguez na tinanggap uli siya pagkatapos ng lahat ng mga nangyari at ngayon mas busy pa siya kesa noong single siya.

Hindi ba siya natatakot sa novel coronavirus? “Lahat tayo mamamatay. Kung mamatay ka, mamatay ka,” sagot ni Nathalie na ayaw nang ma-label na sexy star. “Saka it’s curable naman siya. Kung mahawa ka man basta mataas ang immune system, gagaling ka,” dagdag pa niyang sabi na papunta ng Fukuoka, Japan ngayong araw.

Sarah, more than P500 million nga ba ang ipon?

Nilinis ni Toni Gonzaga ang pangalan ng Mommy Pinty niya sa bintang na nakisawsaw ito sa controversial issue sa Mommy Divine ni Sarah Geronimo. Ayon kay Toni, hindi nagpapa-interview ang mommy niya tungkol sa controversial wedding nina Sarah and Matteo Guidicelli. 

“This is Fake! Mommy Pinty hasn’t given nor expressed her opinion regarding the matter. She was never interviewed. These words never came out of her mouth, and neither did she release an official statement.  Let us practice responsible journalism and be careful on what we share to the public. Stop aggravating the issue by fabricating lies,” post ni Toni.

Kinukumpara nga si Mommy Pinty kay Mommy Divine na hindi naman daw pinigilan ang kaligayahan ng mga anak kaya mas masuwerte diumano sina Toni at Alex Gonzaga kesa kay Sarah.

Kinukumpara noon pa sina Sarah and Toni dahil nga pareho silang batang nag-umpisa sa showbiz at tinutukan ng parents ang career.

Pero naunang nag-asawa si Toni at naging normal ang lahat habang si Sarah na deserve ang isang grand wedding dahil nga tulad ni Toni ay inalagaan ang sarili pero nauwi sa masalimuot na kuwento ang lahat.

But wait, true kaya na more than P500 million ang yaman ni Sarah sa kasalukuyan?

Ito kaya ang rason kaya diumano’y gusto ng Mommy Divine niya na magkaroon sila ng pre nuptial agreement ng mister na niya ngayong si Matteo Guidicelli?

Pero ayon sa source, hindi diumano nag-agree si Sarah na isa nga raw sa ikinaaayaw nito sa actor na kilalang galing sa mayamang angkan.

Kapamilya nagpasalamat na kay Pres. Duterte

 Hmmm parang lumilinaw na ang kapalaran ng franchise ng ABS-CBN matapos ngang tanggapin ni Pangulong Digong ang sorry ng giant network sa hindi nila naipalabas na political ad at pag-eere nila ng black propaganda ad against the president. “We are grateful and humbled by President Rodrigo Duterte’s acceptance of our apology.

“We will coordinate with the President’s office as it relates to his guidance on donating the refund to a charitable institution.

“ABS-CBN remains committed to becoming a better organization and to continue to provide more meaningful service to Filipinos,” ang laman ng buong statement nila.

NATHALIE HART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with