Arjo
Arjo, napabilib kay Julia
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2020 - 12:00am

Napapanood tuwing Linggo ng gabi ang action-drama na 24/7.

Pinagbibidahan nina Julia Montes at Arjo Atayde ang naturang serye. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatrabaho sina Julia at Arjo sa isang proyekto. 

Ayon sa binata ay talagang napahanga siya sa pagiging magaling na aktres ni Julia. “Ang husay niya talagang artista. She’s really good, amazing. She amazes me on the set, makulit siya. ‘Yon din ang impact niya sa akin kasi I see her always crying on TV. Tapos no’ng nakita ko in person, I get to talk to her like dito nakakapag-usap talaga kami, ‘yon funny person siya,” nakangiting kwento ni Arjo.

Samantala, ngayong taon ay nagbabalak na rin ang aktor na sumabak sa pagiging movie producer.Nagkaroon daw ng interes si Arjo na maging aktibo sa likod ng kamera dahil sa iba’t ibang karakter na kanyang na­gampanan sa mga nakaraang proyekto. “No’ng nag-start ako sa showbiz, sabi ko gusto ko na nagke-create ng character sa ulo ko. That’s why I love acting kasi you get to create things you’d never experience in life. Doon ko natutunan na gusto ko palang nagke-create ng story,” pagbabahagi ng aktor.

Darren, takot sa commitment

Maglalabingsiyam na taong gulang na si Darren Espanto. Ngayon ay walang kasintahan pero aminadong mayroon ng pusong nasaktan ang singer. “I’m not proud of it. This is one of my super toxic traits na alam ng mga kaibigan ko. Hindi ako marunong mag-commit. Sobrang sama ko ‘no? Takot ako sa commitment, gano’n, pero hindi ko rin alam kung bakit gano’n ako na tao,” makahulugang pagtatapat ni Darren.

Umaasa naman ang singer na matutunan din niya ang magmahal nang tama sa mga susunod na taon. “I’m still young I’d say. I feel like over the years I had come to grow as a person din. So I will get to the point na I’m mature enough to commit to one person and to really, ibuhos talaga ang sarili ko sa kanya,” paliwanag ng binata. 

Kung mabibigyan ng pagkakataong umibig ay ibibigay daw ni Darren ang lahat upang mapasaya ang babaeng kanyang mamahalin. “I’d like to say when I’m in love with someone, I am really in love with that person and attention ko ibibigay ko talaga sa kanya,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with