Mommy Divine
Mommy Divine pinagkakalat na nagpakamatay
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Sa bansa natin, mas pinagkakaabalahan ang gulong nangyari sa kasal nina Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Kahapon ay super trending ang mag-asawa matapos ngang magpasalamat si Matteo sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang secret / controversial wedding. Kahapon din ay may presscon si Matteo para sa bago niyang endorsement na Sante Barley at doon niya sinabi na : “It’s the best days of my life and it’s the best times. We’re blessed,”  sabi ni Matteo habang suot ang wedding ring.

Anyway, sa mga nangyayari parang ang kawawa ay si Sarah though parang kawawa rin naman si Mommy Divine na luray-luray ang pagiging ina dahil sa kabi-kabilang pagmumura sa kanya sa social media ng hindi naman niya mga kakilala.

Oo nga siguro at ayaw talaga ng nanay na mag-asawa si Sarah o ayaw nito kay Matteo, pero at the end of the day, siya ang nagluwal at nag-alaga kay Sarah.

Pinaka-worst pang lumabas tungkol sa kanya ay ang fake news na nag-suicide diumano si Mommy Divine dahil hindi matanggap ang naganap na kasalan.

May mga nagsasabi pa na kailangan nang magpa-check sa psychiatrist ni Mommy Divine. Meron ding ang tawag ngayon sa kanya Mommy Divide, Money Divine, etc. etc.

 May lumutang pa sa exclusive interview ng TV Patrol na relationship counselor at idinetalye ang mga nangyaring gulo sa naganap na kasalan na ang lumabas na pinaka-bad ay ang nanay ni Sarah.

Nakakaloka.

In the end, sabi nga nila, forgiveness is the key. Pamilya naman sila. Wag magtapatan ng mga pasabog sa social media. sabi rin ng quote ni Alexander Pope: ‘To err is human, to forgive, is divine!’

MOMMY DIVINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with