Tinirhan nina James at Nadine worth 85 million
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Ang mahal naman ng house ni James Reid. Nabasa ko, P85-M daw itong ibinibenta. Ibig sabihin kumita na ng ganoon kalaki si James? Ganun kalaki na pala ang kinikita niya? Bongga!

Wala naman akong naririnig na business niya, or other source of income, pero meron siyang ganoong kamahal na bahay.

Naku ha, bigla baka mabulabog ang BIR na meron pa lang worth ng ganoong kalaking property si James.

Baka ma-lifestyle check siya, joke joke.

Pero talagang inggit ako ha, imagine kumita na ng ganoon kalaki si James talbog pa iyon ibang artista na merong negosyo at other source of income.

 Just asking ha, pero may halong inggit, hahaha.

Sayang, sana P85K lang, puwede ko bilhin, pero P85-M, shoot the moon, hahaha!

‘Dasal ang kailangan’

Ash Wednesday na kahapon, ang araw kung saan ipinaalala sa atin na magbabalik tayo sa ashes pero merong savior na magliligtas sa atin.

Hindi ako religious person pero naniniwala ako sa dasal at meron akong faith na meron tayong Diyos. Lalo pa ngang tumibay ang pananalig ko nang mamatay sina Father Suarez at Kobe Bryant.

Iyon bang bago sila kinuha ni God ay nagkaroon ng malaking trials sa buhay nila, pero binigyan Niya ng panahon na ma-redeem at malinis ang mga pangalan nila bago sila kinuha sa mundo.

That time na pinagbintangan at sinira ang pangalan nina Kobe at Father Suarez sa wrong charges of sex abuse siguro ang darkest moment sa buhay nila, and yet God was so good na pinatunayang hindi totoo ang bintang.

Redemption at ang tuluyang malinis ang iyong pangalan pagkatapos ng darkest time in your life ang pinakamasayang pakiramdam.

Siguro nga with all the toxic things happening around us, the best thing to do is pray. Sana magkaroon pa ng mas matatag na spiritual foundation ang ating bayan.

Ang ganda ng Pilipinas, ang mga Pilipino kahit ano pang sabihin mo ay pang-world class. We stand tall in every trials in life, sana nga makita na natin ang isang leader who will bring us to greatness.

Kung ang Singapore ay nagawa ‘yun ng kanilang former Prime Minister na si Lee Kuan Yew, sure ako na we will have a leader like him, sana lang sooner, para pakinabangan ng susunod na generation.

Together we pray for that day. Love our country, love our nation, love ourselves. Prayers can do wonders.

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with