Matteo: ‘We are husband & wife’
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Naka-meeting namin si Vice Governor Jolo Revilla nung nakaraang Martes ng tanghali sa may Shangri-la BGC, at nasalubong namin si Judy Ann Santos kasama ang anak niyang si Lucho. Papunta rin daw sila sa buffet restaurant doon para i-celebrate ang kaarawan ni Mommy Carol.

Tiyak naming sobrang saya ni Mommy Carol dahil kasama niya ang mga anak niya, lalo na ang mga apo niya.

Hindi ko na inabala si Judy Ann, kahit gustung-gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa pa-dinner nila sa bagong kasal na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Sinabi ko lang sa kanya na niyaya ko si Jolo na sa Ministry of Crab na kami mag-lunch para makitsismis sana ako sa mga waiter doon, pero sarado pa ang naturang restaurant dahil gabi lang pala sila nagbubukas. “Ikaw talaga,” sabi lang ni Judy Ann sa amin.

Napakapribado ng Ministry of Crab na hindi kaagad nakikita, kaya ang galing nga ni Mommy Divine na natunton nila kung saan nag-reception ang bagong kasal.

Hindi pa rin kasi humuhupa ang nangyaring gulo sa secret pero controversial wedding na iyun, kaya kung anu-ano pang kuwentong naglabasan. May nagsabing naka-off daw ang CCTV doon sa Ministry of Crab kaya walang kuha sa commotion na nangyari roon.

Lalo pang pinagpiyestahan ang mainit na isyung ito, kaya may mga nakisakay at nagkalat ng fake news na nagpakamatay daw si Mommy Divine.

Kahapon ay kaagad na pinik-ap ang post ni Matteo sa kanyang Instagram account para kumpirmahin ang pagpapakasal nila ni Sarah.

Narito ang kabuuang IG post ni Matteo; “02 20 2020, A day full of pure love, honesty and genuine emotions. Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli.

“First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together. We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.

“Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on ‘social media’ have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.

“That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never ‘punched’ anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family.

“I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welco­ming Sarah into our family.

“In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support!

“Again, from the deepest part of our hearts thank you!
Sincerely,
“Mr and Mrs. Guidicelli”

Maine may ‘ambag’ sa condo unit ni Arjo

Maingat at tipid ang sagot ni Arjo Atayde kapag tungkol kay Maine Mendoza ang mga tanong sa kanya. Hindi kasi naiwasang itanong ito nung nakaraang Martes nang humarap siya sa media para sa Beautederm for Men na kung saan isa siya sa mga original na brand ambassadors.

Mabilis ang sagot na “Yes” ni Arjo nang tinanong namin kung si Maine na nga ba ang ‘the one’ para sa kanya.

Hindi niya itinatangging may pinaplano na sila, at napapag-usapan na raw ang kasal.

Kung ano man ang plano nila, sa kanila na lang daw muna iyun. “We’re not wasting each others time naman. But…I’d rather not talk about when…it’s about to happen. I’d rather keep it to myself,” safe na sagot ni Arjo.

Kung ano man ang plano nila, natitiyak namang isa sa mga ninang ay si Ms. Rhea Anicoche-Tan na kinikilig sa relasyon ng dalawa.

Sa totoo lang, gustung-gusto ni Rhea na kuning endorser din si Maine, pero hindi sila sure kung puwede.

Pero seryoso ang Kapamilya actor sa relasyon nila ni Maine. Kaya tinanong na rin namin na sila ba ang tipong tahimik din ang kasal at isesekreto nila ito? “For me, whatever…it’s her day eh. Wedding is a woman’s day eh. So, it’s her decision. Whatever kung saan siya comfortable. I don’t know yet,” safe na sagot na naman ni Arjo.

Sa ngayon ay ini-enjoy na muna ni Arjo ang pagsu-solo sa condo unit niya. Dati raw kasi ay parang hindi siya sanay na mag-isa, pero ngayon ay ini-enjoy niya. Hindi naman niya itinanggi na may regalo naman daw si Maine para sa bahay niya. “She gave me something…basta po.  Of course, it’s her gift,” nakangiting sagot sa amin ni Arjo.

Bukod kay Arjo ay ni-renew din ni Rhea Tan si Carlo Aquino, at ngayong araw ay papirmahin niya uli si Lorna Tolentino.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with