Sa litrato, makikita ang tatlong palapag, pitong bedrooms, dalawang kusina, at anim na garahe.  Meron din itong "unique 25-meter lap pool" sa loob.
Mula sa Instagram ni James Reid
Naghahanap ng bahay? Ibinebenta ni James Reid ang kanya sa halagang P85-M
(Philstar.com) - February 26, 2020 - 7:39pm

MANILA, Philippines — Naghahanap ng buyer para sa kanyang lupa't tirahan sa Loyala Grand Villas, Quezon City ang singer-actor na si James Reid.

Ang bahay ay dati nilang tinirhan ng ex-girlfriend at aktres na si Nadine Lustre. 

Sa kanyang Instagram story, sinabi ni James na nagkakahalaga ito nang mula P82 milyon hanggang P85 milyon: "My house is for sale!"

Ang bahay ay may laking 1,000 square meters, na may laman ding gym equipment, CCTV security atbp.

Sa litrato, makikita ang tatlong palapag, pitong bedrooms, dalawang kusina, at anim na garahe.  Meron din itong "unique 25 meter lap pool" sa loob.

Mula sa Instagram account ni James Reid (@james)

Taong 2016 nang bilhin niya ito para sa kanyang birthday noong ika-11 ng Mayo.

"My personal wish is to stop time. I wish everything could slow down... just a little bit," sabi niya sa PEP.ph nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish noon.

Enero 2020 nang ibalita ng kolumnistang si Ricky Lo na nag-alsabalutan sa nasabing bahay si Nadine bago diumano lumipat sa isang condominium sa Lungsod ng Makati matapos ang hiwalayan ng dalawa.

Sandaling itinanggi ng dating JaDine power couple ang hiwalayan ngunit kinumpirma rin nila kalaunan sa isang joint statement na inere asa "Tonight With Boy Abunda." — Philstar.com intern Gabrielle Ann Gabriel

FOR SALE HOUSE AND LOT JAMES REID NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with