^

PSN Showbiz

Sylvia, sinorpresa ng maraming sampal si Tsong Joey

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, sinorpresa ng maraming sampal si Tsong Joey

Kamakailan ay nasaktan ni Sylvia Sanchez si Joey Marquez sa isang eksena nila sa teleseryeng Pamilya Ko.

Napakaraming sampal ang naranasan ni Joey mula sa bete­ranang aktres. “Kasi di ba may eksenang nahuli ko na siya, sa isang room ‘yon. ‘Yung sinabi ko sa kanya kung totoo ba, tapos umamin siya. So sinampal ko siya doon nang isang beses. Hindi ko nilapat (ang buong kamay) kasi ang lakas kong manampal kasi spiker ako sa volleyball eh. So dinaya ko ng sampal, eh nakita ni direk. Sabi ni direk, bumulong, ‘Nandadaya ka, gusto ko ibigay mo,’ eh di binigay ko nang isang beses. Sabi ni direk, bumulong, ‘Sampalin mo nang tatlong beses pero ‘wag mong sabihin,’ so wala siyang alam. Eh ilang anggulo ‘yon, so umabot ng fourteen (na sampal) ‘yon,” pagdedetalye ni Sylvia.

Pagkatapos ng naturang eksena ay agad namang humingi ng paumanhin ang aktres kay Joey. “Sabi ko, ‘Tsong sorry talaga, trabaho lang, walang personalan.’ Sabi niya, ‘Hindi, sanay na ako eh.’ Nasasampal daw siya sa totoong buhay,” nakangiting kuwento ni Sylvia.

Samantala, kapansin-pansin na madalas na magkakasama ang buong cast ng Pamilya Ko kapag nagkakaroon ng promotion. Nakikiusap umano si Sylvia na hanggang maaari ay isama na ang lahat ng bida sa kanilang programa kapag mayroong guesting sa telebisyon. “Kapag kinukuha kami ni Tsong Joey, ako si JM (de Guzman), o halimbawa tatlo lang sa amin o apat ang kukunin para mag-promote. Lagi naming sinasabi ni Tsong, papa­yag kami basta bitbit naming lahat ng anak namin, ayaw namin ng kulang. Kaya ngayon alam na nila na kapag promo tayo, sige lahat, gano’n,” pagbabahagi ng aktres.

Jane, nagre-reinvent ng sarili

Simula ngayong araw ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Us Again na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing. Parehong walang karelasyon ngayon sina Jane at RK kaya posibleng magkaroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa. “Hindi, hindi pa, wala naman akong isinasara. Hindi ko naman pinipigilan at wala rin akong hinahanap, kung darating ay dara­ting,” makahulugang pahayag ni Jane.

Ayon sa aktres ay ang sarili muna ang kanyang pinagtutuunan ng panahon sa ngayon. Hindi rin daw nagmamadali si Jane na magkaroon ng nobyo. “Siguro mas nag-focus lang din ako sa sarili ko ngayon, self-love. I really wanted to reinvent and improve myself, ‘yon lang. Sa akin po personally walang nag-udyok sa akin. Wala namang heart break o ganyan. Siguro talagang sabi ko lang sa sarili ko na okay it’s time, gusto ko lang talagang mag-focus. Parang ako naman, self ko naman, sarili ko naman ang uunahin ko. Happy ako sa nangyayari sa akin, happy ako sa kung sino ako ngayon. Masaya ako,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with