^

PSN Showbiz

KC proud sa ginawa ng dyowang si Apl. de. Ap.?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
KC proud sa ginawa ng dyowang si Apl. de. Ap.?!
KC

Mababasa ang pangalan ni KC Concepcion na isa sa nag-comment sa post ni Apl. de. Ap tungkol sa donation ng foundation nito na second retinal camera na part ng Apl of My Eye program ng foundation.

Ibinigay ng foundation ni Apl. de. Ap ang pang retinal camera sa San Fernando Hospital sa Pampanga.

Three emojis ng hands clapping lang naman ang comment ni KC na ibig sabihin, nagustuhan niya ang ginawa at donation ng rumoured boyfriend. Kaya may nag-comment ng “oh it’s obvious... he is your rumoured bf” na hindi sinagot ni KC.

Lalo pa sigurong naging proud si KC kay Apl. de. Ap kung nabasa ang comments ng followers ni Apl na pinupuri ang kabaitan nito at blessing daw siya sa mahihirap na eye patients sa Pampanga.

Anyway, wala pang kumpirmasyon kung may relasyon nga sina KC at Apl at walang sightings sa kanilang dalawa. Hindi tuloy natin alam lahat kung  totoo ang tsikang they are in a relationship o chika lang.

Arjo at Maine sweet na sweet sa kasal ni Sheena

Speaking of sightings, may panibagong sighting kina Maine Mendoza at boyfriend nitong si Arjo Atayde sa wedding ni Sheena Halili at Jeron Manzanero na ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City. Isa si Maine sa bridesmaid sa kasal ni Sheena at naging close friends ang dalawa sa taping ng teleseryeng Destined to be Yours.

Maraming photos sina Maine at Arjo sa wedding at isa sa nakita naming litrato, kasama nila sina Julius Babao at Christine Babao at nakahawak pa ang left arm ni Arjo sa left arm ni Maine. Simple gesture ni Arjo, pero ramdam ang sweetness ni Arjo kay Maine.

May mga nabasa kaming nabulabog na naman ang ilang AlDub fans sa litrato nina Maine at Arjo lalo na ‘yung naniniwalang may relasyon pa rin sina Maine at Alden Richards at naniniwalang mag-asawa na ang dalawa.

Sarah at Matteo nakipag-bonding kina Judy Ann at Ryan

Dahil sa nangyayari kina Sarah Geronimo at kanyang parents dahil sa pagpapakasal nito kay Matteo Guidicelli, binalikan ng ilang fans ni Sarah ang message nito sa kanyang pamilya nang minsang mag-guest sa Magandang Buhay. Sabi ni Sarah: “Know that I will forever be grateful at talagang ‘yung pagmamahal, kahit sino kahit anong dumating sa buhay ko hindi magbabago ‘yung pagmamahal at pagrespeto ko sa mga magulang ko sa mga kapatid ko dahil pamilya ko sila.”

May nag-comment lang na kung may respeto si Sarah sa pamilya niya, dapat kasama sila sa pinaka-importanteng araw sa buhay niya, pero wala ang pamilya niya. Hindi raw respeto ang matatawag sa ginawa niya.

Pare-pareho nating hindi alam ang nangyari at mga nababasa at naririnig lang ang basehan ng mga alam natin, kaya lahat tayo walang karapatang mag-comment. I-wish at ipagdasal na lang natin na ma­ging maayos na si Sarah at ang kanyang pamilya, lalo na ang inang si Mommy Divine.

Anyway, nagpakita na sina Matteo at Sarah pero sa mga kaibigan nilang sina Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at Ranvel Rufino at ang misis nito at mga anak nina Ryan at Judy Ann. Matipid ang mga ngiti nina Matteo at Sarah, pero mukha namang masaya ang mga bagong kasal.

Isabel Rivas ayaw nang pag-usapan ang nakaraan kay Direk Celso Ad. Castillo

Sa mediacon lang ng Bilangin ang Bituin sa Langit namin nalamang naging sina Isabel Rivas at the late director Celso Ad. Castillo pala at kaya napag-usapan dahil biniro ni Mario Bautista si Isabel na minahal siya ni direk Celso.

Kaya lang, hindi nag-comment si Isabel at ngumiti lang. Ayaw na lang siguro nitong pag-usapan pa ang nakaraan lalo na at may pamilya si direk Celso. Hindi na rin siya kinulit ng mga kausap na reporter at baka magalit.

Masaya pa namang nakipagkuwentuhan si Isabel sa mga reporter, very happy siya sa role niya sa Bilangin ang Bituin sa Langit kahit kontrabida dahil ang kapalit noon ay ang makatrabaho si Nora Aunor na matagal na niyang gustong makatrabaho.

Kahapon pala nagsimula ang airing ng Bilangin ang Bituin sa Langit na mula sa direction ni Laurice Guillen.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with