^

PSN Showbiz

Kris healthy looking na, dapat na uling bumalik sa TV!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris healthy looking na, dapat na uling bumalik sa TV!
Kris

Ang ganda namang balita Salve nang pagbabati nina Noynoy at Kris Aquino.

Kilalang very clannish ang mga Aquino kaya nagtataka ang marami na meron palang tampuhan between P’Noy and Kris.

Siguro dahil si Kris ang bunso sa kanilang magkakapatid kaya medyo spoiled brat ang dating. But knowing na nag-iisang kapatid na lalaki ang kuya niya na very close sa anak niyang panganay na si Joshua, imposible naman talaga na magtagal ang gap ng dalawa.

Nice na solid na solid uli ang magkakapatid, dahil ito talaga ang gusto ng mother nila na si Tita Cory Aquino.

Isa ako sa lucky witness kung paano maging simple at magmahalan ang pamilya Aquino.

Ang bait ng Ate Ballsy ni Kris, at very accommodating sina Pinky at Viel. Kaya naman imposible na magkaroon ng gap ang pamilya nila.

At so nice na makita na mukhang healthy na uli si Kris.

Sana nga mas lalo pa siyang maging strong physically, para mas maging active sa mga ginagawa niya.

Nakaka-miss din siya ‘di ba Dindo Balares?

Dapat talaga, about time na pag very healthy na siya ay magkaroon na uli si Kris ng trabaho sa TV.

Sure ako, she will give her all sa mga project na iaalok sa kanya. Bet ko iyan.

Pinagkakatiwalaan ni Rhea...

Naku ha, sobrang lucky ni Chuck Gomez na sa isang araw ay dalawa ang presscon niya at sa isang linggo ay tatlo.

Sa panahon ngayon ng cost cutting, ang maganda at mabait na si Rhea Tan ng Beautéderm ay walang care, basta sa kanyang negosyo.

Naniniwala si Rhea sa pass forward, sharing sa lahat ang kanilang blessing kaya hayun, kung ‘yung iba ay nagtitipid, heto si Rhea Tan at sabay ang launching ng Beautéderm for Men ambassadors niyang sina Carlo Aquino at Arjo Atayde.

Talagang alagang-alaga ni Rhea ang dalawa at parang mga anak niya na.

Kaya lucky Chuck dahil siya ngayon ang official bag carrier at confidante ni Rhea Tan kaya parang tatlong kumpanya ang hawak niya sa dami ng activities ng Beautéderm at siya na rin ang tagapagmana ng mga pinagsawaang mga bag na signature ni Rhea Tan kaya naman from head to toe naka-LV, Gucci at Prada siya.

Hahaha.

Mr. Fu magaan kasama at katrabaho!

Isa sa masarap na katrabaho Salve ay si Mr. Fu? Kasi nga kahit pa isang oras lang ang Take It... Per Minute! (Me Ganun), at tuwing Tuesday lang natin nakakasama si Mr. Fu, alam mo na agad kung masarap kasama ang isang tao sa trabaho, kung magaan ito o hindi.

Team player si Mr. Fu madaling mag-blend, madaling kumuha ng cue at masayang kasama. Dumarating sa oras at handa sa trabaho.

‘Yun kasi ang groundwork ng isang team, ‘yung madali kayong makaramdam sa isa’t isa. ‘Yung alam mo nang saluhin kung ano ang timpla, para ayos ang delivery.

Siguro sa one year, kaming tatlo nina Cristy Fermin at Mr. Fu ay meron na ring bonding kung saan alam na namin ang timplada ng bawat isa, kaya sure ako na ‘yun ang dahilan kung bakit magaan ang working condition namin tatlo, at kung bakit enjoy kaming mag­kita-kita tuwing martes ng tanghali.

Adopted baby ko na rin si Mr. Fu.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with