^

PSN Showbiz

Pia umaasang mase-settle na ang prangkisa ng ABS-CBN

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pia umaasang mase-settle na ang prangkisa ng ABS-CBN
Pia

Masayang-masaya si Pia Wurtzbach dahil sa pagkakapili sa kanya bilang pinakabagong brand ambassador ng Jollibee. Ayon sa Miss Universe 2015 ay talagang parte na ng kanyang buhay lalo na noong kabataan ang pagkain o mga produkto ng naturang fast food restaurant. “I’m really happy and grateful that I’m finally part of the family.

Kasi I’m a big fan and it’s not because they got me as an endorser. Fan na ako noon pa, bata pa lang ako. In fact, I had a birthday at Jollibee already when I was a kid back in Cagayan de Oro. Sa Miss Universe office no’ng nasa Miss Universe ako, ang pet name nila sa akin Jollibee. Sa Philippines kasi diba ang laki ng Jollibee?

Whenever they see me they go, “Hey! Jollibee, how are you today?’ Back in high school in ABS-CBN Distance Learning Center no’ng bukas pa siya, merong kiosk and may mga tuna pie, fries and sundae. That’s what we would have every day. So this really brings back the memories for me,” nakangiting kuwento ni Pia.

Samantala, mainit na pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso na sa susunod na buwan. Isa si Pia sa mga artistang talaga namang nagsimula sa Kapamilya network kaya umaasang magpapatuloy ang operasyon nito. “ABS-CBN is really close to my heart. I grew up with ABS-CBN and I’m currently a network artist at ABS-CBN. So I hope this goes by fast and I hope everything gets settled very soon and in the diplomatic way as possible,” makahulugang pahayag ng beauty queen.

Donny pangarap maging superhero!

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong gumanap ni Donny Pangilinan bilang isang superhero. Ayon sa baguhang aktor ay matagal na niya talagang pinapangarap ito. “I want to do an action movie or show.  Pangarap ko rin maging superhero one day. Di ko pa alam kung sino pero superhero ang gusto ko talaga,” pagtatapat ni Donny.

Bukod sa mga programa sa telebis­yon ay nakakailang pelikula na rin ang binata. Ayon kay Donny ay maraming mga bagay na ang kanyang natutunan mula sa mga nakakatrabaho sa iba’t ibang proyekto. “Keep your feet on the ground, stay humble. If you think you’re good, you’re not. There’s so much you can learn. You’re only good as your last work, ‘yon lang ‘yon. Hard work, get better. Kung nagkamali ka sa isang bagay, or sa tingin mo nagkulang ka dito, or sa eksena na ‘yon parang nakulangan ka, you just have to learn from it. Just get better in the next project,” paglalahad ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with