Kabilang sa mga sumama sa "walk of faith" ay sina JM de Guzman, Arjo Atayde at mga host ng “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros.
News5/Justine Punsalang
Kapamilya stars sumama sa 'walk of faith' bago ang Senate hearing ng ABS-CBN franchise
(Philstar.com) - February 24, 2020 - 10:49am

MANILA, Philippines — Sama-samang nagmartsa ang ilang empleyado at talent ng ABS-CBN paikot sa kanilang compound bago ang nakatakdang pagdinig ng Senado, Lunes, upang talakayin ang pagpapanibago ng prangkisa nito.

Kabilang sa mga sumama sa "walk of faith" ay sina JM de Guzman, Arjo Atayde at mga host ng “Magandang Buhay” na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, Melai Cantiveros.

Ginagawa nila ito upang magpakita ang suporta nila sa network bago ang pagdinig ngayong alas-diyes ng umaga. 

Nakatakdang mapaso ang legislative franchise ng kumpanya sa ika-30 ng Marso, dahilan para manganib ang trabaho ng nasa 11,000 empleyado.

Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines, nag-submit na sila ng 200,000 lagda kaugnay ng petition sa renewal ng prangkisa kay Senate Committee on Public Services Chairperson Sen. Grace Poe.

Bahagi ito ng kanilang kampanyang "1 Million Signatures for ABS-CBN Franchise Renewal," na inilunsad nila kamakailan.

Ang petisyon ay sinasabing pareho sa ibinigay noon sa House of Representatives. Sumama rin ang ilang miyembro ng NUJP sa mga empleyado at mga sumusuporta sa ABS-CBN sa tarangkahan ng Senado.

"Umaasa ang NUJP na hikayatin ang Kamara na maglunsad na ng sarili nitong pagdinig bago mag-break ang Konggreso pagsapit ng Kwaresma," sabi ng NUJP sa Inggles.

Samantala, sinabi naman ni Palawan Rep. Franz Alvarez, chairperson ng House Committee on Legislative Franchises, na aatasan na niya ang kalihim ng panel para mangalap ng position papers mula sa mga mambabatas na tutol at pabor sa franchise renewal.

"Pagkatapos ng konsultasyon natin kay Speaker Cayetano at sa ibang liderato, umpisahan ngayong araw yung proceedings," sabi ni Alvarez sa panayam ng "Umagang Kay Ganda." — Philstar.com intern Cody Perez at may mga ilat mula sa News5

ABS-CBN HOUSE OF THE REPRESENATIVES JM DE GUZMAN JOLINA MAGDANGAL KARLA ESTRADA LEGISLATIVE FRANCHISE MELAI CANTIVEROS SENATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with