^

PSN Showbiz

Hearing ng franchise RENEWAL umpisa na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Hearing ng franchise RENEWAL umpisa na
Carlo

Ngayong araw ang umpisa ng senate hearing para sa franchise renewal ng ABS-CBN na pangungunahan ng Committee on Public Services chaired by Sen. Grace Poe.

Asahang marami ang maghihintay sa nasabing hearing na ayon kay Senate President Tito Sotto ay hindi unconstitutional bilang sagot sa naunang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Inaasahan ding dadagsain ito ng fans at ibang artista ng Channel 2 bukod sa mga top gun ng network na pangungunahan daw nina Mr. Mark Lopez and Mr. Carlo Katigbak.

Pero si President Duterte ay walang oras na mag-monitor ng nasabing hearing dahil marami itong ginagawa ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Samantala, nagpakita na rin ng suporta ang UP College of Mass Communication (UP-CMC), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), at Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa ABS-CBN matapos kondenahin ng mga ito ang quo warranto case na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema noong  Feb 10.

Nakiisa rin ang Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP) sa panawagan para sa patuloy na paghatid ng mahahalagang impormasyon sa mga Pilipino ng giant network.

Samantala, sinagot ng ABS-CBN ang mga paratang ng OSG at sinabing hindi ito lumabag sa anumang batas. Sinabi rin nito na sinunod o ang lahat ng nakasaad sa kanilang franchise at sinigurong naipasa at naaprubahan ang lahat ng dokumento para sa negosyo nito.

Para maramdamang maging ina, Sarah hinihintay nang mabuntis

Baka raw pag nabuntis na si Sarah Geronimo at maging lola na si Mommy Divine, magkaayos din ang mag-ina.

Karaniwang ganito raw kasi ang eksena sa mag-inang hindi nagkakasundo pag dating sa kasalan pero ibang usapan pag may apo na.

Saka wala raw ina ang nakakatiis sa anak.

At baka rin daw pag naging nanay na si Sarah ay maintindihan na niya ang kanyang mommy at daddy Delfin.

Anyway, ang mga kaibigan pa lang daw ni Mommy Divine ni Sarah ang nakakausap nito pero walang sinasagot na reporter na sumubok kausapin si Mommy Divine.

Nauna nang sinabi ng source na iyak nang iyak si mommy Divine sa itinagong kasalan nina Sarah at Matteo Guidicelli noong late night ng February 20.

Nawalan na raw ito ng boses.

Walang naririnig sa side ni Mommy Divine pero siya ang kinawawa ng lahat sa nasabing lihim sa kasalan ng anak at ni Matteo.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with