Biglaang kasal, uso sa showbiz!
Sarah & Matteo
Biglaang kasal, uso sa showbiz!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

Wow uso na talaga ngayon ang biglaang kasalan na hindi mo aakalaing magagawa ng celebrities.

Nagawa nina Mikael Daez at Megan Young na magpakasal nang hindi alam ng publiko ang detalye.

At kahit nakaabang na ang lahat at nakabantay pa, nagawa pa rin nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na gulatin ang publiko nang magpakasal sila. Hahaha.

Kung hindi pa naganap ang suntukan at mai-report sa presinto, hindi pa puputok dahil hayun nga ginawa muna ni Sarah ang trabaho bago tumuloy sa Shangri-La the Fort para sa civil wedding nila ni Matteo.

Bongga ang mala-James Bond na wedding na ito, very cute ang date na 02 20 20 na mahirap kalimutan.

Happy wedding Sarah and Matteo, good wishes! 

‘Showbiz politics’ mas lumala na

Hindi na siguro magagamot ng anuman ang nangyayaring polarizing ngayon sa showbiz.

Meron kampi dito, kampi doon.

Nagkaroon ng division dahil sa issue, nagkakaroon pa ng sumbatan.

Talagang politicized na ngayon ang showbiz na dati ay para lang isang uri ng trabaho ang pagsama sa kampanya ng pulitika, pero ngayon para ka na ring kapartido pag sumama ka sa political rally, kapag kumanta ka dun, at sumama sa politician.

Bongga nga, dahil kahit nagkakapikunan kung minsan, after the election wala na. Pero now, iba na ang landscape. Iba na kung magtirahan at magpakawala ng salita ang mga artista na kakampi ni ganito o ni ganung pulitiko.

Personalan na. sumbatan na.

Hay naku, sana maibalik sa dati na ‘yong ginawa mo trabaho lang, walang personalan. Mas masarap ang ganun at mas tahimik, walang gulo. Ngayon ay kanya-kanyang kampo na, kanya-kanyang partido, magkapatid na talaga ang showbiz at politics. Sobra.

KASAL MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with