^

PSN Showbiz

‘Without ABS-CBN, wala akong pang-provide -JC

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
�Without ABS-CBN, wala akong pang-provide -JC
JC

Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata si JC de Vera sa ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Kapamilya network. “Maraming-ma­rami pa rin akong dapat matutunan. ‘Yung learning experience hindi natatapos kasi every project na bi­nibigay ng ABS is always new and always challenging. So up to now, hindi ako nagsasawa talaga na magtrabaho. I’m really happy with ABS-CBN and I am very thankful for all the support and sa lahat ng mga tinutulong nila sa amin,” nakangiting pahayag ni JC.

Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN kaya umaasa ang aktor na magpapatuloy pa rin ang TV network sa pag­lilingkod sa sambayanang Pilipino. “ABS-CBN, Hindi naman siya tatagal for how many years kung wala naman talagang natulungan ‘yung network. Ako bilang employee nila, we have the same agenda which is to serve and entertain. If ipagpapatuloy ‘yung franchise, I will be very happy with it. Kasi maipagpapatuloy namin ang pagbibigay serbisyo naman sa mga Pilipino at ‘yung pagbibigay namin ng entertainment sa lahat. We are all hoping for the best. Mayroon din akong family na kailangan kong suportahan and siyempre without ABS-CBN, wala akong pang-provide. That’s why I am really loyal and faithful to them. Kasi siyempre sila ang nagbibigay ng buhay sa akin. Let’s pray and hope for the best,” pagtatapos ng aktor.

Ivana, hindi kinahihiya ang ginagawa

Masayang-masaya si Ivana Alawi dahil makapagbibida na sa telseryeng Lihim ni Ligaya sa Kapamilya network. Makakatambal ng sexy actress si Kit Thompson sa naturang proyekto. “Dream come true talaga. Actually hindi pa siya nagsi-sink in. I am so excited na mapanood n’yo kasi sobrang ganda ng kwento,” bungad ni Ivana.

Matatandaang huling nagkatrabaho sina Ivana at Kit sa Mea Culpa: Sino’ng May Sala kaya kumportable na sa isa’t isa ngayon para sa bagong serye. “I am feeling grateful and excited of course. Siyempre si Ivana ‘yung kasama ko,” pahayag naman ni Kit.

Tiyak na magkakaroon ng intimate scenes ang dalawang bida ng Lihim ni Ligaya.

Ayon kay Ivana ay nakahanda rin siyang magpaseksi para sa kanilang programa. “I’m so proud of myself. I love myself. I love my body. It’s not something na dapat kong ikahiya kasi proud ako sa sarili ko. Feeling ko kung hindi mo mamahalin ang sarili mo, sinong magmamahal sa ‘yo,” giit ng dalaga.

Sa susunod na buwan ay nakatakda nang simulan ang taping ng bagong serye at mapapanood naman ito simula ngayong April.  (Reports from JCC)

vuukle comment

JC DE VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with