Sarah and Mateo
Lovelife ni Sarah noon pa binabantayan!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2020 - 12:00am

Dahil siguro halos sa mga mata na ng publiko lumaki si Sarah Geronimo kaya ‘yung wedding niya halos buong Pilipinas ay hinintay.

Kaloka na talaga, halos araw-araw nakaabang sa kung kailan na matutuloy ang Matteo/Sarah wedding. Ito na siguro ang pinaka-most awaited na kasal ng celebrity dahil nga mula bata up to now, sinundan na ng public ang lovelife o love story ni Sarah.

Lahat parang magulang o kapatid niya na hinihintay ang magaganap sa buhay niya. At masasabi mo rin, lahat ang gusto ay happy ending for Matteo and Sarah na finally nga ay natuloy na ang kasalan na sana nga ay happy talaga ang ending.

Hay naku, ganda siguro magiging baby nila dahil they are a very charming couple, kahit pa nga Gerald Anderson/Sarah team ako, hahaha.

Pero ngayong asawa na ni Sarah si Matteo, siyempre Team Sarah/Matteo na, hehehe.

Koreans mahusay gumawa ng kilig

Naku ewan ko ba pero hindi ganun kalakas ang kilig na naramdaman ko sa Crash Landing On You. Iba pa rin ‘yung binigay na kilig sa akin ng My Love From the Stars at Descendants Of The Sun kaya ako na-hooked sa koreanovela.

Iba pa rin ang charms ni Jo In-Sung at acting kaya naging fan niya ako.

Mas type ko nga si Lee Jun-ho kesa kay Hyun Bin na kinakikiligan nila Salve at Rose at iba pa sa Crash Landing On You noh. Pero in fairness okay naman ‘yung story ng Crash Landing on You, saka di ba, siguro gustung-gusto nila ‘yung love story ng magkaaway na bansa pero pinaglalapit ng love?

 Eh ang husay ng mga Korean na gumawa ng romantic twist, talagang kikiligin ka. Saka mahusay ‘yung actress na nasa Something in the Rain (Son Ye-Jin), ‘yung tipo ng para bang punung-puno ng confidence sa beauty niya kaya sexy tingnan.

Sure ako pag nanonood ng mga serye sina Rose at Salve, pati si Vinia, naku feeling nila sila iyon babae na kapareha kaya kilig to the bones sila. Mga ilusyonada hahaha, parang ako, pag nanood ng Jo In-sung, feeling ko ako niyayakap niya. Ilusyonadang matanda, hahaha.

Reclamation makakatulong ba o hindi?

Kahit ako ayaw ko ng reclamation. ‘Yung inilalaban ni Sen. Cynthia Villar na tigilan na ang reclamation sa mga dagat natin, type ko yun. Pero ang mga Remulla/Revilla gusto ang reclamation sa Cavite dahil para sa kanila magbibigay ito ng maraming trabaho at makakatulong sa pag-unlad ng Cavite.

Pareho silang may punto, pero ‘pag ginawa natin ang reclamation saan pa pupunta ang tubig na pag may bagyo tiyak na magkakaroon ng pagbaha, mawawala ang mga body of water natin na kailangan din ng bayan.

‘Yun namang gustong progress ng Remulla/Revilla ng Cavite para sa mga kababayan nila, ‘yun naman ang nasa isip nila sa pagpayag sa project na ito.

Ewan ko kung ano ang tama, hindi ko alam ang batas, kaya ayaw ko magbigay ng opinyon dahil sure ako, sa isip ni Sen. Villar, Remulla /Revilla iyon ay para sa ikabubuti ng mga kababayan natin ang nasa puso nila.

Sana nga kung ano ang tama iyon ang mangyari. Sana kung ano ang mabuti iyon ang gawin.

MATEO GUEDICELLI SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with