^

PSN Showbiz

Kasal nina Matteo at Sarah, kinukuwestyon ang validity!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Kasal nina Matteo at Sarah, kinukuwestyon ang validity!
Sarah

Walang nakaalam, at siguro nga masasabi nating walang ibang taong nakasaksi sa ginawang “simpleng kasalang sibil” nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, maliban sa kanilang mga kasama. Hindi nga malalaman iyon kung hindi nagreklamo ang bodyguard ni Sarah na nagpakilalang si Jerry Tamara sa presinto 7 ng Taguig Police.

Diumano, sinuntok siya ni Matteo Guidicelli dahil sa galit at bintang na siya ang nagsumbong sa nanay ni Sarah tungkol sa napakalihim na kasal.

Bilang isang security man, alam ni Tamara ang kanyang gagawin. Wala siyang kasamang testigo, pero bago siya nagpunta sa pulisya, nagdaan muna siya sa Taguig-Pateros District Hospital at nagpatingin sa isang medico legal, na kailangan sa pagsasampa ng reklamo. Binigyan naman siya ng temporary medical certificate ng isang Dr. Yves Cainglet ng TPDH, na siya niyang iprinisinta sa pulisya.

Hindi sinabi ni Tamara na hindi siya magrereklamo. Ginawa niya ang report, tumanggi siyang mag-file ng pormal na reklamo agad, dahil siguro gusto muna niyang may makausap na abogado. May oras ding nag-lapse, dahil nagkasuntukan ng bandang alas-onse ng gabi, at halos alas kuwatro na ng madaling araw nang dumating sa presinto si Tamara.

Ngayon sinasabi ni Matteo na hindi ‘yun totoo, wala siyang sinapak. Baka naman nagkasundo na sila. Dahil kung hindi, baka hinanap na niya si Tamara at sinuntok na ulit.

May ilang tanong pa kami tungkol sa kasal, dahil hindi nga namin nasaksihan. Lahat ng reports ay nagsasabing iyon ay isang “kasal na sibil”. Pero may duda kami kasi may nababanggit na nagpunta sila sa Victory Christian Fellowship. Ang Victory ay hindi isang iglesia mismo kung hindi isang “fellowship” lamang, at iyan ay affiliated sa protestant Evangelical Church. Ibig bang sabihin isang ministro ng evangelical church ang nagkasal sa kanila?

Hindi lahat ng ministro o pastor ay maaaring magkasal. Kagaya rin naman ng sa simbahang Katoliko na hindi puwedeng kung pari ka basta ka magkakasal.

Iyon lamang may faculty ang pinapayagan ng gobyernong sibil na may kapangyarihan sa mga batas na magre-regulate ng pagkakasal ang maaari ring magkasal. Kung ministro rin ang nagkasal, hindi iyon civil marriage.

Ikalawang tanong, ano ang nakasulat sa kanilang marriage contract? Kasi sa ilalim ng Fa­mily code, kailangan kahit na isa lang sa kanila ay miyembro ng iglesia ng ministrong nagkasal, kung hindi, invalid iyon. Sino kina Matteo at Sarah ang miyembro o bininyagan sa Evangelical church?

Ang maaari pang magsagawa ng kasal na sibil ay ang mayor ng lungsod, ibig bang sabihin si Mayor Lino Cayetano ang nagkasal sa kanila dahil sakop ng Taguig ang lugar? Maaari ring isang judge, o kaya ay isang military commander. Sino ang nagkasal sa kanila para maging “valid civil marriage” iyon?

Sa usapang legal, dahil nasa tamang edad na si Sarah, walang habol sa kanya ang mga magulang niya, kahit pa sabihin ni Divine Geronimo na itinago ang kasal maging sa kanya. Nangyari iyon dahil nakipagsabwatan maski na ang kanyang anak para itago iyon sa kanila. Pero kung ang pagbabatayan ay tradisyon at usapang moral, hindi tama na magpakasal ang isang tao na itinago sa kanyang mga magulang. Naroroon na agad iyong tinatawag na “in bad faith”.

Pero wala tayong pakialam diyan. Buhay nila iyan. Mga matatanda na sila at kasabihan nga “buntot mo hila mo”.

Naiisip nga lang namin ang mga tanong na dapat tuwirang masagot para masabing sila nga ay nagkaroon ng kasalang sibil. Iyang casa­miento, iyan naman tiyak ang gagamitin nila sa balak nilang pagpapakasal sa abroad, para hindi na sila mahirapan sa papeles dahil ang magiging kasal nila sa abroad ay magiging “convalidation of marriage” na lamang. Kasal na sila, inulit lang.

Pero kung ang mga tanong ay hindi masasagot nang maayos, iyan ay “putative marriage”. Ibig sabihin, may kuwestiyon ang validity.

vuukle comment

MATEO GUEDECELLI

SARAH GEROIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with