^

PSN Showbiz

Male personality na career na ang makisawsaw, may ibang malaking pinagkakakitaan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagtatawanan lang ng kanyang mga kapwa artista at mga katrabaho ang ibinigay na dahilan ng isang kilalang male personality kung bakit ayaw na niyang magtrabaho sa isang istasyon.

Hindi raw siya masaya sa mga nakikita niyang pinaiiral na pagtrato ng network sa kanilang mga trabahador. Pero malakas na tawa lang ang naging reaksiyon ng marami sa ibinigay niyang dahilan.

Kuwento ng isang source, “Ang totoo, e, wala naman talaga siya sa listahan ng mga personalities na bibigyan ng project ng station, wala talaga!

“As in, walang-wala siya sa listahan! Walang nakahandang project para sa kanya, walang role na para sa kanya, marami ring ayaw nang makipagtrabaho sa kanya!” unang madiing rebelasyon ng source.

Sa maraming pagkakataon ay hindi na alam ng male personality kung ano talaga ang mga prayoridad niya sa buhay. Tumatanggap siya ng trabaho pero bukod du’n ay marami rin siyang pinananagutang obligasyon para sa ibang tao.

Patuloy ng aming impormante, “Mas gusto pa kasi niyang makisawsaw na lang sa mga isyung hindi naman siya dapat ma-involve! Para siyang nagpapakalalim na ewan!

“Kung bibigyan siya ng project ng station, e, baka lang magkaroon ng problema dahil marami siyang tinatanguang lakad. Minsan, bigla na lang siyang nawawala, nasa ibang bansa na pala siya!

“E, paano siya magkakaroon ng trabaho kapag ganu’n? Hindi niya naman priority ang pag-aartista niya? Umiiba na siya ng linya? Ano, maghahanap pa ba naman ng problema ang production para lang magkaroon siya ng project?” tanong-opinyon ng aming source.

Ayon sa mga impormante ay kayang-kaya namang huwag nang magtrabaho bilang artista ng pamosong male personality na ito. Nakahukay na siya ng bagong bukal para sa kanyang kabuhayan showcase.

Patuloy ng aming impormante, “Siguradong hindi niya aaminin, pero marami silang mga male personalities ngayon na tumatanggap ng biyaya mula sa mga taong pinagseserbisyuhan nila!

“Kaya niyang magmalaki, talagang puwede siyang hindi na magtrabaho, dahil meron na siyang bagong pinagkukunan ng kabuhayan ng family niya!

“Tantanan na kasi ang mga dramang hindi niya gusto ang mga nakikita niyang kakulangan ng isang istasyon! Pinagtatawanan na lang siya! Next drama, please!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kita ni Sarah, diretso na sa kanya

Tapos na ang kasal! Tapos na ang pakikipaglaban! Tapos na ang mga tanong kung bibigyan ba ng basbas ng kanyang mga magulang si Sarah Geronimo sa pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli.

Bantay-sarado ng kanyang mga magulang ang singer-actress, kumuha pa sila ng close-in security para buntutan si Sarah kahit saan, pero may nagawa ba ito?

Natuloy pa rin ang pagpapakasal nina Matteo at Sarah nu’ng Huwebes nang gabi sa Shangri La Hotel sa BGC. Tapos na ang seremonya nang biglang dumating si Mommy Divine.

Du’n ipinanganak ang kuwentong diumano’y sinuntok ni Matteo ang close-in security ni Sarah sa pagdududang ito ang nagparating ng impormasyon tungkol sa kasalan kay Mommy Divine.

Nagpa-blotter ang security, pero walang kasong isinampa laban kay Matteo, malalaman din kasi sa imbestigasyon kalaunan na hindi ito sinaktan ng groom.

Pagkatapos ng kasal ay sumama na si Sarah kay Matteo, walang katotohanan ang lumabas na istorya sa social media na binawi ni Mommy Divine ang kanyang anak sa aktor, huli na ang lahat dahil divine intervention ang namayani at hindi ang mga kapritso ni Mommy Divine.

Walang naganap na pre-nuptial. Pero ang kasunduan ay idinetalye ng aming source, ang kanyang komento, “Lahat ng kikitain ni Sarah sa ABS-CBN, ‘yun ang buung-buong mapupunta sa family niya.

“Pero ang lahat ng trabahong ibibigay sa kanya ng Viva Artists Agency kung saan pa siya nakakontrata, e, sa kanya ‘yun! ‘Yun ang malaki, dahil kasama ang mga gagawin niyang TVC, kay Sarah ‘yun!” komento ng amiing source.

Kakampi nina Matteo at Sarah ang buong mundo sa kanilang pagpapakasal. Kumbaga sa pelikula, ang naging kontrabida ay si Mommy Divine, na mula’t mula pa ay nagpapalutang na ng kanyang pag-ayaw kay Matteo.

Napakaraming maligayang-maligaya sa pagpapakasal ni Sarah kay Matteo, salamat daw sa pakikipaglaban nilang dalawa sa mala-teleseryeng kuwento ng kanilang pagmamahalan, sa wakas ay nakalaya rin daw ang tinaguriang girl in a golden cage.

Mabuhay ang mga bagong kasal!

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with