Angel
Angel nagsalita sa pagiging stockholder ng ABS-CBN
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Oww hindi pa naman pala fully paid ang ‘stocks’ ni Angel Locsin sa ABS-CBN.

At pag kumikita raw ito, ido-donate niya lahat sa charity.

Ito ang naging ‘resbak’ ni Angel Locsin sa ‘interesting post’ ng former actress na si Ms. Vivian Velez tungkol sa ABS-CBN Corp. list of 100 stockholders as of September 30, 2019 kung saan lumalabas na binibigyan ng malisya ang pagkakasama ng pangalan na Angelica Colmenares (real name ni Angel).

Walang show at expired na rin ang kontrata ni Angel sa Kapamilya Network  dahil sa paghahanda niya sa kasal ni Neil Arce pero very vocal ito sa paglalabas ng opinion tungkol sa pinaka-hihintay na kapalaran ng franchise renewal ng ABS-CBN.

“I saw some posts and been reading accusations that were thrown at me for speaking up for what I think is right.

“Just to clear things up,

“1) I am not part of any political party, nor representing any politician.

“2) I do not have an existing contract with ABS-CBN. Therefore, the company has no control on whatever I want to post.

“3) Sorry to disappoint some people, but money is not everything. Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted,” simula ng sagot niya na pinalakpakan ng marami niyang followers including Anne Curtis.

“Again, money is not everything. (For your knowledge, Maliit lang po ito. As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years. Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yun.) Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yun naman po ang importante,” ang buong statement niya.

Nauna nang ipinost ni Angel ang naging pahayag ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Hearing sa lunes inaabangan na...

Narito ang bahagi ng statement ni Mr. Katigbak na akala pala ng marami ay may edad na. Pero nang lumabas siya sa TV Patrol the other night, maraming naguwapuhan.

“Sa mga darating na araw, mabibigyan kami ng pagkakataong linawin ang mga isyu tungkol sa aming prangkisa.  Wala po kaming nakikitang dahilan para hindi magtuloy ang paglilingkod ng ating ABS-CBN.  Gayunpaman, kami ay handang sumunod sa anumang proseso na dapat pagdaanan ayon sa batas.

“Sa nakaraang 65 years, naging tapat po kami sa aming misyon na maging In the Service of the Filipino. Sa lahat po ng aming pinaglilingkuran, isang karangalan po na kami’y naging bahagi ng inyong tahanan at ng inyong pamilya.  Sana po ang aming mga programa ay nagbibigay ng impormasyon, saya, pag-asa at inspirasyon sa inyo. Sana po nakatulong sa inyo ang mga serbisyo publiko ng ABS-CBN Foundation tulad ng Bantay Bata at Sagip Kapamilya.

“Serbisyo po ang layunin ng ABS-CBN.  Ngunit kami po ay hindi perpekto. Nagkakamali din po kami at handa po naming itama ang anumang pagkukulang. Kasama ito sa proseso ng pagiging isang mas matatag na kumpanya.

“Sa aming mga mambabatas, nasa inyong kamay po ang kinabukasan ng ABS-CBN. Nagtitiwala po kami sa sinasabi ninyo na mabibigyan kami ng pagkakataong sagutin ang mga katanungan ng mga mamamayan. Dinarasal din namin na makita ninyo ang mga kabutihang naidulot ng ABS-CBN sa bawat pamilyang Pilipino,” ang ilang bahagi ng statement ni Mr. Katigbak.

Ang sinasabi niyang pagharap ay ang magaganap na senate hearing sa Monday na pangungunahan ni Sen. Grace Poe.

Kasama umanong dadalo sa nasabing pagdinig ni Mr. Katigbak si Mr. Mark Lopez, chairman of ABS-CBN Corporation.

Ayon kay Senator Grace Poe, invited si Solicitor General Jose Calida para mapag-usapan ang quo warranto petition na inihain nito sa Supreme Court against the network na sinundan niya ng urgent motion ng gag order.

Tiyak na aabangan ito sa Lunes.

 

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with