Ivana, walang planong ibenta ang sarili
Ivana
Ivana, walang planong ibenta ang sarili
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

Inamin ni Ivana Alawi na kabi-kabilang indecent proposals ang kanyang natatanggap ngayon. “Actually ang dami, sobra ngayon lalo na parang feeling nila makukuha ka kasi. I mean show skin and ano, pero dinideadma ko sila. Minsan sinasabihan ko sila. ‘No, you cannot buy me.’ Feeling nila mayaman sila, makukuha nila lahat. You cannot buy everything with money,” pagtatapat ni Ivana.

Magtatatlong milyon na ang followers sa instagram at mahigit apat na milyon naman ang subscribers ng sexy actress sa sariling YouTube channel. Malaki ang pasasalamat ni Ivana sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya. “Hindi ko pa siya ma-process. Bigla kasi talaga eh, I mean hindi ko masyado iniisip na parang ito na, parang sa akin na lang I’m gonna continue being myself,” giit ng dalaga.

Magbibida si Ivana sa teleseryeng Lihim ni Ligaya. Ang sexy actress din ang binansagan ngayon na bagong Pantasya ng Bayan. “Nakakatuwa naman, di ba wow! Kasi di ko naman actually target ‘yon eh so to be given that is wow! Nakakatuwa, aside from being sexy gusto ko rin ipakita na kaya ko rin umarte na hindi lang puro sexy, na puro pakita ng skin, ‘yung swimsuit. I can do so much more,” pagtatapos niya. 

Julia handa nang mag-explore

Kaabang-abang ang bagong proyekto ni Julia Barreto na I Am U dahil sa dalawang karakter ng aktres dito.

Mapapanood sa iWant simula February 26 ang naturang digital series na pinagbibidahan nina Julia at Tony Labrusca. “Feeling ko I’m just very, very grateful that I’ve been trusted with projects that are not the usual that I’ve done before. I’m glad na nakakapaglaro na ako. I’m more free to do some scenes and some roles that take risks, that now I can take roles fearlessly, that now I can be the actress that I always wanted to be. I am now able to just be free. I’m just very excited kasi magkakaroon na ako ng opportunities with other actors and actresses,” makahulugang pahayag ni Julia.

Para sa aktres ay tapos na siya sa pagkakaroon ng permanenteng katambal. “Graduate na ako sa being permanent in a love team. I’m blessed to have experienced that. Don’t get me wrong, I have graduated from that phase in my career. ‘Yung kilig naman, I still enjoy doing rom-coms. Hopefully I can still do rom-coms and more edgier roles,” paliwanag niya.

Matatandaang si Joshua Garcia ang madalas na katambal ni Julia noon. Wala namang problema sa dalaga kahit mayroon na ring bagong katambal ang dating kasintahan. “‘Yung choice ni Joshua to still be in that path in his career which is in the love team phase, I respect that. I’m very happy to be already in the phase of my career na mas mature na ‘yung ginagawa ko, na mas marami na po akong nakakatrabaho. Mas free na ako sa pagpili ng projects. Hindi ako parang nasa isang box lang, parang I can now explore as actress. The different genres and to be able to work with different leading men and different kinds of materials, different kinds of directors,” nakangiting pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

   

IVANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with