Derek at Andrea wini-wish na ikasal na rin
Andrea & Derek
Derek at Andrea wini-wish na ikasal na rin
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

Isa talaga ako sa tuwang-tuwa sa relasyon nina Derek Ramsay and Andrea Torres. Bagay na bagay silang dalawa at feel na feel mo ang chemistry, plus iyon aura na para bang they are really meant for each other.

Buti na lang at nag-decide ang manager ni Derek na si Joji Dingcong na ilipat sa GMA 7 si Derek. Doon niya nakita, nakilala, at na-in love kay Andrea.

Sana nga maging official Mr. & Mrs. ang dalawa, sana nga humantong sa altar ang romance nila kasi they both deserve to be happy.

Ever since I like Derek, nababaitan ako sa kanya, plus si Andrea, pinagbigyan ako sa isang importanteng hiling ko sa kanya, so Team Derek/Andrea ako promise.

Sana nga ‘here comes the bride’ na, ha Derek?

Rhian,hindi dapat pakawalan ng Kapuso

Hindi dapat pakawalan ng Kapuso Network si Rhian Ramos.

Sa maraming artista nila, isa si Rhian sa pinaka-talented at mahusay umarte. Very professional siya at talagang focus sa trabaho.

Lately nga ay makikita mo na multi-faceted ang kanyang talent, puwede niyang tawid ang comedy, at bongga siya sa drama.

Mabuting tao si Rhian, kasi within her, mabait siya, kaya naman she exudes so much confidence.

She is a treasure, one of Kapuso’s precious talents. Hindi ko ma-imagine na nasa ibang istas­yon si Rhian kundi sa Kapuso lang. 

Gladys walang kapaguran

Bongga si Gladys Reyes ha, hindi na siya maabot. Ang ganda ng ayos ng events place ni Mother Lily Monteverde na araw ng presscon/launching ng cate­ring nilang mag-asawa na si Christopher Roxas. Aakalain mo talagang big event, mula main door ang ayos hanggang loob na pang class A ang decor.

Kaloka talaga ang family nila, mula sa mag-asawang Chris at Gladys, mga anak, dad at mom niya pati kapatid, full support talaga.

Masarap makita how they grow up together in whatever business they open. Ang sarap din makita na nandun suporta nila Mother Lily, Carmi Martin at Senator Imee Marcos.

Bongga talaga si Gladys, busy sa lahat ng oras, hahaha.

 

ANDREA & DEREK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with