Pero wa epek... nanay ng singer-actress umabot sa espiritista para paghiwalayin ang anak at aktor!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

Maraming dating naglilingkod sa pamilya ng isang pamosong female personality ang nagseserbisyo na ngayon sa iba-ibang artista. Isa lang ang dahilan, hindi sila nakatagal na magtrabaho sa pamilya ng babaeng personalidad, dahil sa kanyang ina.

At dahil wala na nga sa kanilang poder ang mga taong ‘yun ay natural lang na mapabalita ang mga nagaganap sa kanilang tahanan.

Kuwento ng aming source, “Naku, nakakaloka ang unang kuwento, ha? Nu’n palang nanliligaw pa lang sa sikat na singer-actress ang boyfriend na niya ngayon, e, kung anu-anong pagkontra na ang ginagawa ng mommy niya!

“Pinadadasalan pala ng mommy niya ang guy, as in, meron siyang ipinagagawang dasal sa mga kilala niyang espiritista para lumayo ang loob nu’ng lalaki sa anak niya!

“Kaso, hindi naging effective ‘yun, lalo pang minahal nu’ng male personality ang anak niya, kaya panibagong paraan na naman ang ginawa ni mommy!

“Pinadadasalan niya naman ang guy sa mga kilalang simbahan. Ganu’n din ang gusto niyang mangyari, ang tigilan na ng guy ang anak niya!

“Pero hindi pa rin ‘yun naging effective, lalong dumikit pa ang guy sa anak niya, ayaw nang humiwalay, mas lumalim pa ang pagmamahal nu’ng guy sa anak niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Binaligtad naman ng mommy ng singer-actress ang kanyang pagpapahiwalay sa dalawa, ang kanyang anak naman ang pinadasalan ni mommy, para lumayo ang puso sa lalaki.

“Waley pa rin! Talagang wala nang magawa si mommy, ipinaglalaban na ng girl sa family nila ang guy! Talagang malalim na malalim na ang relasyon nila, parang malabo na silang mapaghiwalay!

“Kahit nu’n pa, e, talagang kontra na si mommy sa guy, alam niya kasing lublob na sa pagmamahal ang anak niya, ‘yun ang kinatatakutan niya talaga.

“Hindi pala ginawa ni mommy ‘yun sa ibang manliligaw ng anak niya, alam niya kasing walang dating sa singer-actress ang mga suitors niya, du’n lang talaga sa male personality na ‘yun bumigay ang anak niya!

“Hindi niya kinikibo ang guy kapag dumadalaw sa kanilang mansiyon, para lang siyang hangin na hindi nakikita ni mommy.

“Matinding challenge talaga para sa kanya ang guy! At totoo naman! Hindi na niya kinayang mapalayo pa ang loob ng anak niya sa male personality.

“Ayan na nga, hanggang sa pagpapakasal nu’ng dalawa, e, kontrang-kontra si mommy! Nakakaloka ang love story nila na araw-araw talaga, e, ipinaglalaban nila!” pagtatapos ng namamangha naming source.

Ubos!

Coco mas priority si lola Flora kesa kay Robin

Talagang walang mapapalang sagot si Robin Padilla mula kay Coco Martin. Kahit pa kung anu-anong rebelasyon ang pasingawin ni Robin laban kay Coco ay mananatiling tahimik lang ang bida ng Ang Probinsyano.

Nakakaaliw, pero totoo, may kakaibang pagdepensa kay Coco Martin ang ating mga kababayan laban kay Robin Padilla.

Mahabang monologue ‘yun na ganito ang takbo, “Talagang dededmahin lang ni Cardo Dalisay si Robin Padilla! Kumuda man siya nang maghapon at magdamag, e, walang panahon sa kanya si Cardo!

“Kesa sa patulan ang dalda­kinong si Robin, e, mas bibigyan ng panahon ni Cardo ang pagtugis sa mga nagpakulong sa lolo niya! Hindi siya talaga titigil hanggang hindi niya nadidiskubre kung sino talaga ang tunay na utak sa pagpapakulong kay General Borja!

“Bakit pa niya papansinin si Robin, e, nadag­dagan pa ang ngitngit niya ngayon! Hinimatay sa kalye si Lola Flora, naospital, dahil sa pambabastos sa lola niya ni Lily!

“Natunton na niya ang bank ma­nager na nagtrabaho para magkaroon nang daan-daang milyong deposito ang Lolo Delfin niya, bilang na ang oras ng babaeng manager na ‘yun!

“Huling-huli na siya ni Cardo, hawak niya na ang picture na nag-uusap ang bank manager at si Hipolito! Talagang malapit nang matunton ni Cardo kung sino ang utak ng pagpapakulong sa lolo niya!

“Hindi niya bibigyan nang kahit maigsing atensiyon lang si Robin, kailangan niyang malantad ang kasamaan ni Lily na kakuntsaba pa ngayon ang ilegalistang si Judge Padua na ginawan niya ng paraang pumalit sa posisyon ni General Diana Olegario!

“Kapag nakalaya na si General Borja, kapag nalaman na ng presidente na si Lily ang utak ng lahat at lumalason sa kanya, e, saka pa lang magkakaroon ng panahon si Cardo Dalisay kay Robin Padilla!

“Walang panahon si Cardo Dalisay sa mga patutsada at pang-uupak sa kanya ni Robin, uunahin niya muna ang kapakanan ng mahal niyang pamilya!” ‘yan ang sigaw ng buong bayan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

 

AKTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with