Matteo & Sarah
Mommy Divine nanggulo sa kasalang Matteo at Sarah
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

May nakuha kaming isang report at tungkol ito sa isang Jerry Tamara y Cortez, 31 taong gulang at nagbigay ng address na 1000 Mindanao Avenue Quezon City, at nagsabi ring siya ay close in bodyguard ng singer at aktres na si Sarah Geronimo.

Sinabi ni Tamara na mga bandang alas-onse ng gabi sa Shangri-La Plaza BGC, kung saan ginanap din ang isang civil wedding nina Sarah at Matteo Guidicelli, sinabi niyang biglang dumating ang nanay ni Sarah na si Divine sa kalagitnaan ng seremonya at hininging makausap muna niya ang kanyang anak, dahil hindi siya nasabihan na may kasalang magaganap sa mga oras na iyon.

Habang nagkakaroon ng kaguluhan, sinabi ni Tamara na hinarap siya ni Guidicelli at pinagbintangang siya ang nagsumbong sa nanay ni Sarah at pagkatapos ay sinuntok siya ng actor at tinamaan sa lalamunan.

Nagtungo diumano si Tamara sa Taguig-Pateros District Hospital, nagpa-medical at binigyan naman ng temporary medical certificate ng isang Dr. Yves Cainglet. Pagkatapos noon dumiretso siya sa pulisya ng Taguig, Precint 7 sa BGC, at nag-report tungkol sa mga pangyayari ng mga alas 3:27 ng madaling araw.

Hindi naman umano nag-file ng formal charges laban kay Matteo si Tamara, at sinabing gusto lang niyang mai-report ang mga pangyayari at matala sa blotter habang wala pa siyang desisyon kung magsasampa ng demanda.

Kung sakali, si Matteo ay mahaharap sa kasong physical injuries at posible ring slander by deed dahil napahiya si Tamara na sinuntok niya sa harap ng ibang mga tao. Si Guidicelli ay hindi pa nakakausap ng pulisya.

Lumalalim ang kuwento. Ibig sabihin nagpakasal nga si Sarah nang hindi alam ng sino man sa kanyang pamilya.

Nasa tamang edad na rin naman si Sarah, 31 na siya at hindi na kailangan ang parental consent o kahit na advice man lamang.

Pero kaugaliang Pinoy na sinasabi sa magulang kung nabubuhay pa sila basta magpapakasal ang isang tao.

Nauna rito, nagkaroon din ng report na balak magpakasal nina Matteo at Sarah sa Italya sa taon ding ito. May pahiwatig ding hindi dadalo sa kasal ang nanay ni Sarah.

Walang report ang security ng hotel tungkol sa mga pangyayari, dahil iyan ay isang pribadong okasyon na hindi naman karaniwang pinakikialaman ng hotel. Pero kinumpirma na nga ng pulisya na may ganoon ngang report sa kanilang blotter.

Hihintayin pa rin natin ang paliwanag ng sino man kina Matteo o Sarah tungkol sa pangyayaring ito.

Nauna rito nag-taping si Sarah ng The Voice sa ABS-CBN at umalis diumano sa studio ng mga alas-tres ng hapon. Dumiretso na siya diumano sa Victory Christian Fellowship sa BGC kung saan sila kapwa uma-attend ng service ni Matteo.

Julia happy sa nangyayari kay Joshua

Happy naman daw si Julia Barretto sa nagi­ging magandang takbo ng career sa ngayon ng da­ting boyfriend at ka-love team na si Joshua Garcia. Mukhang sa ngayon ang love team nina Joshua at Janella Salvador naman ang inaasahan nilang susunod na sisipa ang popularidad.

Totoo nga siguro na kung minsan, may nangyayari sa buhay ng tao na parang hindi maganda pero kalaunan mas napapabuti siya. Kung hindi nag-split sina Joshua at Julia, ganyan nga kaya ang itinatakbo at katayuan ng career ngayon ng actor?

Marami kasi ang nagsasabi na nagsimula ang suwerte nang magkahiwalay sila ni Julia. At kung nanatili ang kanilang love team at nasadlak nga si Julia sa sunud-sunod na nakakasirang controversy, saan din pupulutin ang ka-love team niyang si Joshua?

Napansin nga rin namin, sina Joshua at Janella ang unang pinagsuot ng ABS-CBN color pin, bilang suporta sa kampanya sa extention ng franchise ng network. Ibig sabihin naniniwala ang network sa potentials ng kanilang love team. May mga solo commercial endorsements pa ngayon si Joshua.

MATTEO & SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with