^

PSN Showbiz

Mocha inimbyerna sa pag-depensa kay Robin

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mocha inimbyerna sa pag-depensa kay Robin

MANILA, Philippines — Nakatikim ng pang-ookray si former Communications Assistant Secretary Mocha Uson now Deputy Executive Director of the Overseas Workers Welfare Administration sa ibang netizens matapos niyang idepensa si Robin Padilla sa column item / IG post ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis.

Sa tweet kasi ni Mocha sinabi nitong : “Madam Lolit hindi niyo talaga maiintindihan dahil iniisip niyo lang ang proyekto ng mga alaga niyo po. Simple lang ang pinaglalaban ni Robin at yan ay ang mga inabusong mga empleyado ng ABSCBN.”

Pero maraming galit na comment kay Mocha : “Sobrang wala sa point ang argument mo napaka irrelevant nyong dalawa so gusto ni Robin na pantay ung sweldo nya sa kasama. ya sa taping bakit ngayon lang sya nag ngangangawa bakit di mo yan sinabi nung nasa toda-max ka pati ikaw nung kinakalaladkad ka ni bea,” sabi ng isang netizen.

“Kami hindi ka namin maintindihan sa kakitiran ng utak mo. Sayang talaga bayad ng taong bayan sayo. Sobrang kapal na ng muka mo. Puro abscbn ka na lang, pero yung POGO na bilyones ang utang sa BIR hindi mo maibalita. Pati yung pastilyas na modus ng BI,” sabi naman ng isa pa.

Ginamit na attachment ni Mocha ang tweet ng Radyo Singko tungkol sa IG post ni Manay Lolit kay Robin na animo’y bulag ang aktor na sumusuntok dahil lumihis na ito sa tunay na issue na franchise renewal ng ABS-CBN at kung anu-ano na ang inungkat na lumabas sa kanyang IG at nabasa rin dito sa kanyang column sa Pilipino Star NGAYON.

Nauna nang naghamon si Robin sa ibang kapwa niya artista na maglabas ng bank book para magkaalaman kung sino ang kumikita ng malaki.

Kaso isang netizen ang nag-comment na ba’t ‘di na lang siya tumulad kay Coco na maraming natutulungang artista na walang trabaho kesa magreklamo ng kung anu-anong laban sa dati niyang network na may problema nga ngayon sa franchise renewal. “Sir robinhood bat di mo na lng gayahin si coco na gumawa ng teleserye or movie tumulong ka sa mga wala ngvtrabaho, nalulong sa bisyo na gusto magbago o mga api sa sweldo kuhanin mo kung si coco nagawa kasi nasakanya ang kasikatan at pagpapala kaya binabalik nya sa baktulong siguro po silak din po kayu mas marami kayung nagampanan nah.so alam kong magagawa morin na marami kang mapasaya pero ang paraan mong ganito marami ang nagtatalo at nasasaktan walang kapayapaan nasaan ang po ang makatao dun pasensya napo kung di mo ako maintindihan at kung hinahalintulad kita kay coco pero mas da best at kapakipakinabang kung ang husay at galing mo ay ginamit mo sa maayos at mapayapang paraan.”

Na hindi niya natiis ay sinagot niya ang netizen na : “Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na ito nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan natutunan lang po yan ni direk coco sa mga naunang action stars siguro po mainam sabihin niyo po kay direk coco na wag bubuhusan ng tubig yun mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae, Si John Loyd po ay isa sa mga artista ng ABSCBN na katulad ko ay ayaw na gumawa.”

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with