_ngayon
^

PSN Showbiz

Jane at RK, ibinigay na ang lahat sa intimate scenes

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jane at RK, ibinigay na ang lahat sa intimate scenes

Unang nagkatambal sina Jane Oineza at RK Bagatsing sa teleseryeng Araw Gabi. Malaki ang pasasalamat ng dalawa sa naturang serye at doon na rin dumami ang mga tagahanga noong 2018.

Walang karelasyon pareho sina Jane at RK ngayon kaya may bulung-bulungan na posibleng mayroon nang espesyal na namamagitan sa dalawa. “Once and for all, hindi pa naging kami,” giit ni Jane.

Para naman kay RK ay hindi malayong mangyari na ligawan niya ang aktres. Ayon pa sa aktor ay na kay Jane na ang lahat ng mga katangian na hinahanap ng isang lalaki sa magiging kasintahan. “Why not? Madaming manliligaw dito kay Jane eh, but who knows. Nasa kanya na lahat and I’m sure hindi lang ako ang nagsasabi niyan. Madami ding nagkaka-crush kay Jane, ideal girl ‘yan. Siyempre, crushie ‘yan,” pagtatapat ng binata.

Kaibig-ibig din naman ang aktor ayon kay Jane. “Oo naman, based sa mga napagsamahan namin from Araw Gabi hanggang ngayon dito sa Us Again, oo naman. Mabait, maalaga, may abs, crushie, hunk, masayang kasama,” natatawang pahayag ng aktres.

Sa Miyerkules ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Us Again na pinagbibidahan nina Jane at RK. Mayroong ilang maiinit na eksenang ginawa ang dalawa sa naturang proyekto. “Binigay nga namin, ‘yon ‘yung masasabi ko doon. Wala kasi akong hiya, comfortable ako with RK. So nakadagdag din ‘yon na hindi kami. Hindi ako nailang sa mga eksena na gano’n,” pagbabahagi ni Jane.

“You be the judge when you watch it, binigay ko, binigay ko lahat. Bigay lang nang bigay,” natatawang pagtatapos naman ni RK.

Cristine, mas naging positibo na ang pananaw sa buhay

Magdadalawang taon na ang nakalilipas nang unang napabalitang nagkahiwalay na ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi.

Mayroon pa ring komunikasyon sa pagitan ng dalawa dahil sa kanilang anak na si Amarah. Para kay Cristine ay dapat na positibo na lamang ang kanyang disposisyon sa buhay ngayon kasama ang anak. “Siguro na-discover ko na dapat maging happy ka lagi sa buhay mo. Kasi hindi naman mawawala ang problema natin. Laging mayroon at mayroon at nasa pagdadala mo ‘yon. Kung iiyak ba lagi, malulungkot ka ba lagi, ikaw lang ‘yung mahihirapan sa buhay mo. For me i-lift mo na lang ‘yon kay Lord, bahala na si Lord, and go on with your life and magpakabuti ka na lang sa buhay mo, sa mga tao, sa surroundings mo, sa work mo. Now, I have Amarah, maging mabuting mother, and just be a good person,” makahulugang pahayag ni Cristine.

Kamakailan ay ipinagdiwang ng aktres ang kanyang ika-tatlumpu’t isang kaarawan kasama ang pamilya at ilang malapit na kaibigan.

Para kay Cristine ay nagsisilbi na malaking tulong ang mga mahal sa buhay na nakapaligid sa kanya sa gitna ng mga suliranin sa buhay. “My wish, sana po matupad ang heart’s desires ko for me and Amarah. I realized dapat i-celebrate natin ang buhay natin. For me, greatest gift from God, celebrate life. Right now, I appreciate more quality time with my family and close friends,” giit niya. (Reports from JCC)

JANE OINEZA RK BAGATSING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with