^

PSN Showbiz

Aktor nakalimutan ang pang-aabuso sa mga dating nakatrababo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Unti-unti nang pinagpipistahan ang mga naglulutangang kuwento tungkol sa isang pamosong male pesonality. Ang dami-daming istorya, mga kuwentong nagpapatunay na wala siyang karapatang mag-ingay at magreklamo ngayon, dahil siya ang dapat pa ngang ireklamo.

Masyado raw mabilis makalimot ang kudaerong male personality, maigsi ang kanyang memorya, hindi niya na naaalala ang kanyang mga kakuwanan nu’ng aktibo pa siya sa paggawa ng pelikula at serye.

Kuwento ng isang source, “Ang ini­rereklamo niya, e, ang working condition daw sa isang istasyong kinakalaban niya ngayon, di ba? Look, who’s talking!

“Alam ba ng publiko na masyado siyang tutok na tutok sa career lang niya? Pagkatapos ng isang sequence, e, kailangang huminto sa pagtatrabaho ang lahat. Yes, ang lahat!

“Kasi nga, e, kailangan muna niyang panoorin ang mga eksenang katatapos lang niya! Hinto ang lahat sa pagtatrabaho, binubusisi kasi niya kung maganda ang acting niya sa mga eksenang katatapos lang niyang gawin!

“Ganu’n ang bisyo niya! Dapat niyang makita ang mga ginawa niyang eksena! Natural, habang prenteng-prente niyang pinanonood ang mga backshots niya, e, tengga rin ang lahat sa trabaho!

“Ganu’n siya katindi! Nakakalimutan na ba niya ‘yun? Kinukuwestiyon niya ang working condition sa network na binibira niya, may karapatan ba siyang gumawa ng ganu’n?

“E, siya nga dapat ang ireklamo dahil sa sobrang believe niya sa sarili niya, e! Tagapagpatagal siya sa trabaho, wala siyang ibang concern kundi ang sarili lang niya, ganyan ba ang magrereklamo?” galit na kuwento ng isang impormante.

May mga pagkakataong nasa set na ang lahat, kumpleto na ang cast, pero hindi pa rin sila makapagsimulang magtrabaho dahil merong kausap sa telepono ang male personality.

Isang source naman ang nagkuwento, “Mahalagang tao raw ang kausap niya, ang tagal-tagal ng kuwentuhan nila, grabe! Inaantok na nga ang mga veteran stars na kasama sa serye!

“Pero ayun pa rin siya, kuda nang kuda sa phone, wala siyang pakialam kung napakatagal nang naghihintay ang mga kasamahan niiya! Magpakita ba ang superiority?

“’Yun ba ang may malasakit sa mga manggagawa, ‘yun ba ang kukuwestiyon sa suweldo ng mga trabahador? May dagdag bang umento ang mga inaabala niyang kasamahan sa trabaho kapag ayaw pa niyang magtrabaho?” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sharon hinihintay magsalita sa nambudol ng 20 million worth na alahas

Kahit saan kami magpunta ay isa lang ang tinatanggap naming tanong--sino ba ‘yung female personality na nanghiram ng mga alahas kay Sharon Cuneta na hindi na nagsoli?

Pambansang blind item ‘yun nang ilabas ng Megastar sa kanyang IG account. Ginawa niyang manghuhula ang publiko. Matindi kasi ang sama ng loob ni Sharon na humantong pa sa kanyang hiling na kung wala lang siyang asawa at mga anak ay gusto na niyang mamatay.

Matindi nga ang ginawa sa kanya ng taong ayon pa kay Sharon ay minahal, pinagkatiwalaan at pinrotektahan niya. Ginulo ng item na ‘yun ang buong bayan. Nambulabog ng kamalayan ng ating mga kababayan si Sharon.

Hanggang sa ipinanganak na nga sa Take It Per Minute... Me Ganu’n ang isang blind item. Natukoy namin nang hindi sinasadya ang pangalan ni Sharon. Ang naiwan na lang sa paksa ay kung sino ang taong nangloko sa kanya.

Hiniram ng taong ‘yun ang mga alahas ni Sharon na nagkakahalaga nang milyun-milyon, ipagagaya lang daw, pero nakalipas na ang ilang buwan ay hindi pa rin ibinabalik sa kanya.

Natural, dahil ayaw na ngang makipagkomunikasyon sa kanya ng nanghiram ng kanyang mga alahas ay nagpaimbestiga na ang Megastar, shock na shock si Sharon sa kanyang nalaman.

Isinangla pala ng taong ‘yun ang kanyang mga alahas sa halagang 20 million, kaya ang sabi ng mga alahera, kulang sa isandaang milyong piso ang kabuuang halaga ng mga alahas para isangla nang 20 million.

Blind item pa rin! Mas naalarma ang buong bayan sa rebelasyon ng Take It Per Minute... Me Ganu’n. Sino ang pinagkakatiwalaang tao ni Sharon na nangloko sa kanya? Saan dinala ng nagsangla ang napakalaking halagang pinagsanlaan ng kanyang mga alahas?

Hintayin natin ang susunod na kabanata. Kay Sharon Cuneta mismo dapat manggaling ang pangalan ng nangloko sa kanya.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with