^

PSN Showbiz

Sarah Geronimo 'di magpapakasal ngayong araw, nasa taping ng 'The Voice Teens'

James Relativo - Philstar.com
Sarah Geronimo 'di magpapakasal ngayong araw, nasa taping ng 'The Voice Teens'
Ibinalita kasi ng isang kolumnista na ngayong araw magpapakasal sina Sarah at Matteo.
Mula sa Twitter account ni Carlo Yanesa

MANILA, Philippines (Updated 4:24 p.m.) — Nasa taping ang singer-actress na si Sarah Geronimo nitong Huwebes, ang araw kung kailan magpapakasal raw sila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli, ayon sa isang kolumnista.

Ayon kasi sa isang kolumnista ng isang pahayagan, ikakasal daw sila ngayon.

Pero sa video na ito, makikitang abala sa taping ng "The Voice Teens" ang "Pop Star Princess". 

Ang mga kasama tuloy ni Sarah sa shoot, pinagtawanan na lang ang diumanong exposé.

"Dito po ba venue? Yes invited kame hahaha," sabi ni Carlo Yanesa habang kasama si Sarah at ipinakikita ang set.

Biro naman ng ABS-CBN music, talent at production coordinator na si Evi Zapanta, baka hindi lang sila aware at naidaos na pala ito kanina.

"Saan ba talaga ang venue  @JustSarahG? Madaling araw ba yan? Hanggang gabi tayo dito sa  @thevoiceteensph eh," pagbibiro ni Zapanta.

Hirit naman ni Jomar Yap, tila kailangan nilang madaliin ang trabaho para lang maisingit ang kasal — na hindi naman mangyayari today.

"MGA WHAT TIME PO BA ANG WEDDING??! Para double time kami sa shoot today with Coach Sarah! Kasi kasama namin siya now eh. Kami na po mag-aadjust!!! ????

Si Mark Joseph Buenafe naman, na kasama rin sa taping, subtle lang ang birada at nagpaskil na lang ng litrato ng singer habang kumakayod sa harap ng camera.

Sa kolum na lumabas kaninang umaga, sinabing nag-apply sina Sarah at Matteo ng marriage license noong ika-3 ng Pebrero.

Nanggaling daw ang kanyang scoop mula sa isang "highly-reliable source," at sinabing pupunta ang pamilya ng aktor.

"Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli are getting married anytime today. The wedding is so hush-hush that, according to the source, Matteo’s family 'will be present.' It’s not sure if Sarah’s parents, Divine and Delfin, are attending," sabi sa kolum.

vuukle comment

MATTEO GIUDICELLI

SARAH GERONIMO

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with