^

PSN Showbiz

Sec. Berna pinulong na ang airline companies at hotel na babaan ang singil sa mga Pinoy na turista

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sec. Berna pinulong na ang airline companies at hotel na babaan ang singil sa mga Pinoy na turista
Gladys

Talagang action lady si Sec. Berna Romulo-Puyat. Sinabi niyang nag-meeting na ang mga airline company at hotels para babaan ang presyo ng mga package tour dito sa atin.

Ito ang sagot niya sa sinulat ko tungkol sa napakamahal na local package tours sa ating sariling bayan.

Ang point ko lang naman, sana basta local tourists, iba ang presyo kesa sa mga foreigner.

Na dapat tayo talaga ang makinabang sa ganda ng ating bayan, hindi ‘yung mas mura pa ang pumunta sa abroad.

Naku maniwala kayo, except for snow na wala sa ating bansa, mas gugustuhin mo pa na dito na lang magliwaliw.

Halimbawa ‘yun mga taga-probinsya na gustong makita ang Manila, Makati o Quezon City, puwede rin gawan ng package tours. At ang mga travel agent, isama sa package ang isang safe na hotel kung saan puwedeng mag-stay ang mga biyahero. Dapat na iniingatan ang security, iyon safe ang hotel na titirhan, basta gawing mura ang buong package, sure ako at bobongga iyan.

Sa Japan at Korea, mapapansin mong maraming naka-book sa mga tour na mga local na nakakasabay mo pag nagbiyahe ka. Dahil tulad dito sa atin, hindi rin nila nakikita ang ibang parte ng bayan nila. Na pag locals, half price lang ang singil sa kanila.

Dito, ang daming gustong makita ang Boracay, Batanes, Cebu, Bacolod at iba pang magagandang lugar pero mahal na ang airline ticket, mahal pa ang accommodation.

Naku kikita rin naman ang tourism natin sa mga kababayan natin kaya sila ang dapat i-prioritize natin.

Buti na lang fast action lady si Sec. Berna, ginagawan na agad niya ng paraan.

Maniwala kayo, it’s really more fun in the Philippines, hitsurang may snow sa ibang bansa. Talo iyan sa halo-halo natin. Hahaha thank you Sec. Berna. Romulo Puyat!

Gladys na-master na ang food business

Sure ako na magiging malaking threat sa catering business ang pagpasok ni Gladys Reyes sa career na ito.

At magkakaroon ng launching ang cate­ring service ni Gladys pagkatapos  maging success ng kanyang resto na Estela.

Na-master na niya ang food business at napag-aralan ang pasikut-sikot kaya naman malakas ang loob ni Gladys to venture into catering.

Iba rin ang business acumen ni Gladys na talagang eversince kung anu-anong negosyo ang pinapasok, at parang walang kapaguran o mahusay lang siguro sa time management.

 Taping, alaga ng anak, managed ng resto, now catering naman.

Naku sure ako yayaman sina Gladys at Christopher Roxas dahil sa sipag nila.

Congrats and lots of luck Gladys. Dapat masarap iyan or else, intrigahin kita, hahaha. Pabalot na lang.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with