ABS-CBN
Sobrang mura raw ang offer ABS-CBN wala raw planong ibenta?!
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

Malabong-malabo diumanong ibenta ang ABS-CBN kahit anong mangyari.

Yes, mas decided pa diumano ang management na isara ito kesa ibenta dahil puwede naman daw maging content provider na lang ang network.

May nakahanda rin naman daw contingency plan sakaling hindi nga i-renew ang franchise nito after March 30, 2020.

Besides, sobrang baba diumano ng offer ng mga nagpapakita ng interes na bilhin ang share ng Lopezes.

Ilang hearing days na nga lang kasi ang natitira at hanggang ngayon ay wala pang binibigay na schedule kung ika-calendar nga ang nasabing franchise renewal bill ng giant network sa Congress.

So far ayon sa isang ABS-CBN insider, umaasa na lang sila sa dasal.

Business as usual din daw sila at walang planong itigil ang kahit anong taping.

Besides if ever nga raw na hindi totoo ang sinasabi ni Speaker Allan Peter Cayetano na puwede silang mag-operate without the franchise at provisional permit lang ang kakailanganin, tutukan nila ang digital platforms at pagpo-produce ng pelikula ng Star Cinema since hindi ito kasama sa maaapektuhan ng franchise expiration.

March 11 pa lang ay malalaman na ang kapalaran ng Kapamilya Network bago pa man ang Holy Week break ng Congress and Senate.

Kaya less than a month na lang ‘yun.

Nakasuot na ngayon ng blue, green and red ribbon (official color ng Channel 2) ang mga empleyado ng network at maging sa mga social media account nila ay ang nasabing ribbon na ang kanilang profile photo.

 Siyanga pala, pinasasagot sa loob ng limang araw ang ABS-CBN sa inihaing very urgent gag order ni Solicitor General Jose Calida  sa pag-i-issue ng statements na related sa pinag-uusapang franchise renewal.

Actor/tv host nakakasuka ang baho ng hininga

Wow talagang kasuka-suka raw talaga ‘pag kausap mo ang TV host/actor.

 Actually, parang nahahawa na nga raw ang asawa nitong actress.

Ma-yosi ang TV host/actor na pinag-sususpetsahang dahilan ng masamang amoy ng hininga.

OA parang wala sa hitsura ni actor/TV host na ganun ang amoy ng hininga niya ha.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with