^

PSN Showbiz

Alden kailangan ng sikat na partner?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Parang napakahirap ipaliwanag kung bakit parang hindi pa makasipa nang husto ang po­pularidad ni Alden Richards hanggang sa ngayon. Hindi natin maikakaila na si Alden ay kabilang sa loveteam na nag-set ng trend sa internet noong ka-loveteam pa niya si Maine Mendoza. Noong masira ang kanilang loveteam matapos na aminin ni Maine na hindi naman totoong mag-syota sila at hindi naman totoong nanligaw si Alden, nawala iyon.

Pero nakabawi si Alden nang i-partner siya kay Kathryn Bernardo, dahil ang kanilang pelikula ay siya namang nag-set ng record bilang may pinakamalaking gross na nairehistro sa takilya. In fact, ang kinita ng kanilang pelikula ay mas malaki pa kaysa sa kinita ng lahat ng pelikula sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Pero pagkatapos noon, ginawa nga siyang bida sa isang serye sa telebisyon na ni minsan ay hindi umubra sa kanilang mga nakalabang shows hanggang sa tapusin iyon noong nakaraang linggo. Lampaso pa rin sa bagong nagsimulang kalaban.

Tapos ginawa naman siyang host ng bago nilang singing contest, na ang kanilang premiere telecast ay hindi rin umubra sa kalaban. Base sa survey ng AGB Nielsen, ang show nina Alden ay nakakuha lang ng 9.5%, samantalang ang kalaban ay 13.5% audience share.

Hindi mo maipaliwanag kung bakit ang star na naging internet sensation, at naging all time box office hit holder ay hindi umubra sa mga ginagawa niyang shows. Ibig bang sabihin noon, ang popularidad ni Alden ay depende talaga kung sikat din ang kanyang partner?

Hindi naman sikat si Maine Mendoza noon, pero nagustuhan siya ng masa. Iyon nga lang, nang masira ang kanilang love team, tila nawala rin ang popularidad ni Maine, dahil hindi naman nagustuhan ng  fans ang kanyang boyfriend.

Tatay ni Angel napabayaan ng Sports sector

Madamdamin ang birthday greetings ni Angel Locsin sa kanyang tatay na si Mang Angel Colmenares. Halos sinabi ni Angel na ang tatay niya ang lahat-lahat na sa kanyang buhay.

Papasok pa lang si Angel sa showbusiness, sinasabi na niyang kaya siya nag-artista at nag-ambisyong kumita nang malaki ay dahil gusto niyang ipagamot ang tatay niya na nabulag na noon. Kaso nang may kakayahan na siyang ipaopera ang mata ng tatay niya at saka natuklasan na wala na palang magagawa para roon.

Hindi alam ng marami na ang tatay ni Angel, si Mang Angel Colmenares ay isang respetadong atleta na kumatawan sa Pilipinas sa Asian Games noong 1954, at pagkatapos noon ay ilang ulit na naging national coach sa swimming. Nakakalungkot, pero isa si Mang Angel sa mga athlete na napabayaan ng mga namumuno sa sports sector  noong araw.

Aktres ramdam na sa career ang pagiging nega

Nganga pa rin hanggang ngayon ang isang napakanegang female star. Kung noon istar-istaran na sana siya, ngayon ni walang offer sa kanya na gumawa ng isang pelikula. Ang ginagawa niya ay mga maliliit na projects na inilalabas lamang sa TV, kasi nga napaka-nega na niya.

Mukhang napakahirap na niyang makawala sa kanyang hindi magandang image. Hindi rin naman siya matulungan ngayon ng kanilang network na humaharap din sa sarili nilang controversy.

Palagay namin mas mabuting umiba na lang muna siya ng career huwag ipilit ang pag-aartista ngayong nega siya.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with