^

PSN Showbiz

Female personality on cam lang mahilig tumulong

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Limot na pagkatapos ng interview

Ipinakikilala ngayon ng aming source ang bagong kinoronahang OPM Queen ng showbiz. Kapag tinawag na OPM Queen, ang ibig sabihin nu’n ay mahilig lang mangako ang mayhawak ng korona, pero hindi naman tumutupad.

Ganu’ng-ganu’n nga ang tawag ngayon ng marami sa isang female personality na biglang nagkaroon ng career sa aksidenteng paraan.

Kuwento ng aming source, “Mahilig kasing mangako ang female personality na ‘yun na sasagutin niya ang problema, pero hanggang sa salita lang naman ‘yun, dahil bigla na lang siyang nawawala!

“Ganu’n ang ugali niya! Kapag marami siyang kaharap, mangangako siya na sasagutin ang problemang inilalapit sa kanya, tuwang-tuwa naman ang mga nakakarinig nu’n, siyempre!

“Ang bait-bait daw talalga ni girl, malaki ang puso niya sa mga nangangailangan, kaya sobra-sobrang biyaya rin ang darating sa kanya. Pero heto na.

“Pagkatapos niyang sabihin ‘yun at pagkatapos niyang mangako, e, mahirap na siyang hanapin! Hanggang salita lang siya, kaya ang tawag sa kanya ngayon, ang bagong OPM Queen!” simulang kuwento ng aming impormante.

Mahilig ding mangako ang female personality kapag may nakatutok na mga camera sa kanya, buong-ningning niyang sasabihin na siya na ang bahala, pero pagkatapos nu’n ay bigla na lang siyang nagwawala-walaan.

Balik-chika ng aming source, “Ilang tao na ba ang pinangakuan niya ng kung anu-ano? Umaasa naman siyempre ang mga taong ‘yun, pero hindi naman siya tumutupad?

“May ibinibigay siyang pangalan kung saan daw siya makokontak, ‘yun daw ang taong namamahala sa mga ipinangangako niya. Kapag tinatawagan naman ang contact person na sinasabi niya, e, hindi naman sumasagot!

“Nu’ng minsang natiyempuhang makausap ng isang pinangakuan ng female personality ang contact person, ang sagot naman ng trusted kuno niyang tao, e, ipaparating daw niya kay madam ang hinihinging tulong ng tumawag!

“Nakakaloka siya! Mangangako, pero hindi naman tumutupad! Bigla na lang siyang nawawala, parang pinasasakay lang niya ang mga pinangangakuan niya!

“Hay, naku! Paano ba naman magkakaroon ng magandang buhay ang mga pinaaasa niya kung ganyan na napakahirap niya namang hanapin?

“Ang laki-laki niyang babae, pero bigla na lang siyang nawawala! Alam kaya ng anak niyang sikat ang mga pinaggagagawa ng mudrakels niya?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Robin nabukong nagpapa-­calltime ng 3:00 a.m.!

Maraming katanungang ibinabato sa hangin ngayon si Robin Padilla. Sa kanyang pagtatanong ay parang patagilid niyang inaakusahan ang kanyang dating pinagseserbisyuhang istasyon, ang ABS-CBN, na nahaharap ngayon sa problema ng franchise renewal.

Isa sa mga pinag-iinitang isyu ni Robin laban sa kanyang dating network ay ang working condition ng mga artista ng Dos. Mahabang oras ng trabaho sa maliit lang na talent fee.

Sa pananaw ni Robin ay tinatamad na siyang magtrabaho ngayon dahil sa matagal na niyang nakikitang hindi maayos na pagtrato ng istasyon sa kanilang mga nasasakupan.

Tanong ng kanyang mga dating katrabaho, matagal na pala niyang naoobserbahan ang mga pagkukulang ng istasyon pero bakit ngayon lang niya inilalabas ang mga nasasaksihan niya?

Bakit isinabay pa niya ‘yun sa isang panahong lugmok sa pag-asa ngayon ang network dahil sa mga puwersang humaharang para sila mabigyan ng panibagong pagkakataong magsahimpapawid?

Pero may nakalimutang burahin sa kanyang IG account si Robin Padilla. Ipinost niya ‘yun nu’ng April 4, 2018 nang makiusap siya sa produksiyon ng seryeng Sana, Dalawa Ang Puso na gawing alas tres nang madaling-araw ang kanilang calltime dahil meron siyang ibang trabaho nu’ng mismong araw na ‘yun.

Sabi ni Robin sa kanyang IG post, “Early morning call because of me... paumanhin at maraming salamat sa mga bumubuo ng Sana, Dalawa Ang Puso sa pag-adjust ng lahat ng mga schedule dahil ako’y may sabit.

“Paumanhin aking mga kapamilya sa hassle, batid ko na napakahirap bumangon sa higaan lalo sa oras ng malalim na pagkakatulog sa gabi. I love you kapamilya! Para sa inang bayan.”

Alas tres nang madaling araw ang calltime, pinagbigyan siya ng mga tagapamahala ng produksiyon ng serye, binulabog niya ang oras ng kanyang mga kasamahang artista, staff at crew, na tulad niya ay meron ding kani-kanyang kompromiso sa buhay.

‘Yan ba ang klase ng taong magrereklamo?

vuukle comment

ABS-CBN

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with