^

PSN Showbiz

Nora masaya sa remake ng kanyang bituin…

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nora masaya sa remake ng kanyang bituin�

MANILA, Philippines — Ngayong Pebrero 24 na ang pinaka-aabangang world premiere ng GMA Afternoon Prime drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit na pagbibidahan nina Mylene Dizon, Kyline Alcantara at Superstar Nora Aunor. ““Masaya ako na magkakaroon ng remake ‘yung aming pelikula noon. Excited din ako dahil ang gagaling ng mga artista na makakasama ko dito,” sabi ni Ate Guy sa isang interview.

Tatlong generations of women ang susubok abutin ang kani-kanilang pangarap sa TV adaptation ng 1989 award-winning blockbuster movie by Regal Films with the same title.

In all fairness, sa mga teaser pa lang na inupload ng GMA Network, ramdam na agad ng mga viewer ang intense na mga eksena sa pagitan ng mahuhusay na cast. Tagos na tagos din sa puso ang official sound track nito na kinanta ng  Centerstage host at Kapuso Diva na si Aicelle Santos.

Kaya naman lalong nae-excite ang mga mano­nood sa premiere nito sa susunod na linggo dahil bukod sa tatlong Kapuso stars, mapapanood din sa serye sina Zoren Legaspi, Gabby Eigenmann, Yasser Marta, Isabel Rivas! Ang Bilangin ang Bituin sa Langit ay sa ilalim ng direksyon ni Laurice Guillen.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with