^

PSN Showbiz

Robin parang bulag habang nanununtok!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Robin parang bulag habang nanununtok!
Robin

Kaloka na ang atake ni Robin Padilla sa issue ng franchise renewal ng ABS-CBN ha. Para bang lahat na lang damay na, pati mga kapwa niya artista, isinasali na. Ok na iyon binuksan niya ang issue ng tent rental, dahil siguro nabalitaan niya ang pagbuhos ng tubig sa natutulog na crew, pero ‘yung pati bankbook ng mga kapwa niya artista gusto niya ilabas, ano iyon?

Parang Robin is punching blindly, sumusuntok sa kahit kanino, kahit saan, nawala na sa tunay na issue ang punto.

Siguro nga nasaktan siya sa sinabi ng ABS-CBN executive na si Ethel Espiritu na ‘kamag-anak corporation’ ang ginagawa niya pag may project siya. Pero ‘di ba ok lang iyon kung mabibigyan mo ng trabaho ang kamag-anak mo, why not?

Pero siguro dapat pag-isipan na ni Robin kung ano ba talaga ipinaglalaban niya, renewal, labor o ano pa? 

Hello Robin…

Dingdong at Marian nakakabilib ang bonding

Ang ganda naman ginawang date nila Dingdong Dantes at Marian Rivera at mga anak, Salve. Talagang sa San Benito Farm sila nag-stay for Valentine’s ha. Aside from the healing ambience ng The Farm…, masarap at ok din ang hangin para sa mga batang sina Zia at Ziggy.

Ang galing naman ng bonding ng mag-asawa.

Dun mo talaga mapupuri ang mag-asawa dahil kahit konting oras lang na magkakasama sila, talagang ini-enjoy nila.

No wonder nakita n’yo ba kung gaano kaganda ng ugali ni Zia habang lumalaki? Magalang at mabait kasi nga hands on ang mga magulang sa pagpapalaki sa mga anak. Natuturuan siya ng tama.

Live their life in happiness and see them grow with their kids, iyan ang wish namin kay Dingdong at Marian. Be happy always. 

Ratsada na uli ang career Ellen may bagong endorsement na naman!

Mukha ngang back to normal na  ang buhay ni Ellen Adarna. Scoop na nag-sign siya sa endorsement para sa Kamiseta Skin.

Gandang-ganda sa kanya si Cris Roque na may-ari ng Kamiseta Skin at parang lalo pa raw  naging sexy after giving birth sa anak nila ni John Lloyd.

Bongga rin si Ellen dahil sure na aalagaan siyang mabuti sa Kamiseta Skin, at mai-spoil siya kay Cris Roque na tuwang-tuwa sa pagpayag niyang maging endorser. 

Welcome to Kamiseta family Ellen, kahit ano pang sabihin the mere fact you tried to live a normal life for a while dahil sa love, makes you a sexier woman in substance.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with