^
Bea Alonzo aminadong miss nang makaeksena si John Lloyd Cruz nang bongga
"I have to say, nakaka-miss makabatuhan ng mga linya ang isang John Lloyd Cruz. I am so glad I had the privilege to be on stage with these... talented people," patuloy ni Bea.
Mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Bea Alonzo aminadong miss nang makaeksena si John Lloyd Cruz nang bongga

(Philstar.com) - February 18, 2020 - 10:51am

MANILA, Philippines — Hindi na naikaila ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo na miss na niyang makatrabaho ang tanyag na dating katambalan na si John Lloyd Cruz.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni aktres ang kanyang kaligayahan nang muling makasama sa proyekto si John Lloyd, na ilang taon na ring hindi napanood sa telebisyon.

"Valentine’s Day turned out to be a little different from what I had expected," sambit ni Bea sa kanyang Instagram, Linggo.  

Ipinost ito ni Bea kalakip ng ilang litrato na kuha sa live script reading nila ng pelikulang "That Thing Called Tadhana" ni Antonette Jadaone. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Huling nagkasama ang dalawa sa pelikulang "A Second Chance" (2015), na naging highest-grossing Filipino film of all time.

Sinundan nito ang kwento nila ni Popoy at Basha Gonzales, na nagsimula sa blockbuster movie hit na "One More Chance" (2007).

Sinabi rin ni Bea na palaging magandang karanasan ang makatrabaho ang aktor.

"I have to say, nakaka-miss makabatuhan ng mga linya ang isang John Lloyd Cruz. I am so glad I had the privilege to be on stage with these... talented people," patuloy ni Bea.

"It was a beautiful evening. The air was crisp; it didn't feel like it was a busy Friday night, it almost felt like the holidays again. We went there unannounced with a few of our friends who opted to spend their Valentine's with us. Most of them stayed until we finished reading the two-hour-long script."

Oktubre 2017 nang magkasundo si John Lloyd at ang ABS-CBN  na mag-indefinite leave muna sa Kapamilya Network dahil sa ilang personal na isyu.

Habang naka-leave, napabalita ang pakikipagrelasyon niya sa sa celebrity na si Ellen Adarna, na naging ina ng kanyang anak.

Makalipas nang halos tatlong taon, muling gagawa ng pelikula ang aktor sa kanyang pagbida sa "Servando Magdamag" ngayong 2020. — Philstar.com intern Gabrielle Ann Gabriel

BEA ALONZO JOHN LLOYD CRUZ THAT THING CALLED TADHANA VALENTINE'S DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with