DOLE Secretary Silvestre Bello III and FDCP Chairperson and CEO Liza Diño
No contract, no work bawal na!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

OT hagip sa JMC

Magkakaroon na ng working hours, social welfare benefits at no contract, no work policy para sa trabahador ng local showbiz industry.

Ito ang ilan sa inaasahang pagbabagong ipatutupad base sa Joint Memorandum Circular (JMC) na pirmado na ng Department of Labor and Employment (DOLE) and Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Yes nagkapirmahan na nga ng guidelines sina

DOLE Secretary Silvestre Bello III and FDCP Chairperson and CEO Liza Diño  para sa  JMC No. 1, Series of 2020, na magsisilbing bagong guidelines sa working conditions and occupational safety and health ng mga  manggagawa sa ‘audiovisual production.’

“We thank the FDCP for signing with us itong landmark agreement that will provide our people in the industry safe and wholesome workplaces para hindi na maulit ang nangyari kay Eddie Garcia,” pahayag ni Sec. Bello sa naganap na pirmahan na tinutu­ring nilang historic signing sa DOLE Building kamakailan.

Actually, bago pa man naaksidente si Manoy Eddie noong June 2019, inaapela na ang pagkakaroon nito.

“But I would say malaking bagay talaga, unfortunate as it was, that it was through his death, pero parang nagising ang lahat,” sabi naman ni Chair Liza.

Kino-consider din nila itong labor of love para sa lahat ng taga-industriya ng showbiz. “Hindi po mabubuo ito kung wala lahat ng mga nagtulung-tulong. Kaya Sec. Bello at ang lahat ng nasa DOLE, maraming, maraming salamat,” sabi uli ni Chair Liza.

“Napakatagal po nang hinintay namin para po marating itong pagkakataong ito. This day is not only the victory and joy of FDCP but ‘yung mga nandito ngayon na matagal na pong nagsulong nito. Gusto ko pong ibigay sa kanila ang pasasalamat dahil sila ang nag-umpisa nang pagsulong nitong guidelines para proteksyunan ang ating mga manggagawa.”

Base sa JMC, ipatutupad ang mga sumusunod :

*”No contract, no work” policy

*Working hours at a minimum of eight (8) hours and a maximum of sixteen (16) hours (in exceptional circumstances)

*Overtime pay to be given after the eighth hour at 25% of the hourly rate.

*Additional premium pay on overtime performed during rest days, special days, and regular holidays

Hours of work not exceeding 60 hours in a week 

*Waiting time, pre-production, ocular work, and post-production to be considered as working time

*A turnaround time of 12 hours as the rest period between working days

*Provision of call sheets before every shoot

*24-hour notice of cancellation of work

*Payment for workers’ contracted time if an engagement gets cancelled

*Memberships in the Social Security System (SSS), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), and Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)

*Emergency health services and access to rehabilitation and compensation of work connected to illnesses and injuries affecting workers 

*Provision of meals and sufficient amounts of coffee and safe drinking water

*Adequate transportation facilities to locations or reimbursements of the workers’ transportation costs

*Safe, adequate, and free accommodations on distant or overnight locations

Tungkol naman sa occupational safety and health (OSH), the JMC states the following standards: 

*Mandatory presence of OSH personnel

*Conduct of risk assessment and securing location permits

*Provision of safety equipment and first aid

*Creation of a safety and health committee

*Drafting of an emergency preparedness and res­ponse plan

*Adequate, clean, persons with disability (PWD)-friendly, and genderless toilet facilities 

*Dressing rooms with comfort and privacy for each sex, with separate dressing rooms for children of each sex      

*Covered and enclosed holding areas with adequate ventilation or air-conditioning with suitable emergency escapes for stunt people, background actors, and technical crew (on top of existing holding areas for producers, directors, and actors) 

*Personal fall protection system for working at heights

*Minimum construction safety provisions

*Electrical installations to comply with Philippine Electrical Code

*Department of Transportation compliance of all equipment and vehicles

*Animal handling to be done by professional trainers and designated handlers

*Notification of the use of hazardous materials 

*Usage of blank ammunition for firearms and weaponry

*Stunts to be performed by qualified workers only

*Presence of stunt/special effects coordinator in the filming of all stunt/special effects scenes

Marami at mahaba pa ang nakasaad sa JMC na kung babasahin pa ay tiyak na ikakaligaya ng workers.

Maganda ang magiging epekto nito sa mga trabahador ng showbiz kung mapapatupad agad-agad at kung susunod ang mga production.

Ang problema lang ay kung sa sobrang dami ng nakapaloob sa policy baka naman mabawasan na ang trabaho ng iba dahil mara­ming network / production group ang nagtitipid ngayon. Baka idahilan ay hindi nila kayang ibigay ang mga nabanggit sa policy.

Isa sa tiyak na tatamaan nito ay ang mga extra o per day workers.

Maraming nakapilang mag-extra sa mga pelikula at TV shows kaya kung magkakaroon ng maraming demand ang isang worker / bit player, ang tendency ay papalitan na lang siya.

At ang kukunin nila ay ‘yun mga hindi na reklamador at hindi magsasalita kung na-practice ba o hindi ang mga nakapaloob sa JMC.

Nangako naman si Chair Liza na makikipag-usap sila sa mga network, movie companies at iba pang production group para tuparin ang mga nakasaad sa JMC. Ipaliliwanag nila kung paano nila mami-meet ang compliance na kinakailangan.

Magkakaroon din daw sila ng hotline para kung sakaling may mag-violate ay may mga pagsusumbungan ang mga worker.

Ang ganitong sistema kaya ang magdadala sa Tagalog film sa Oscars?

Sana rin ito ang maging daan para mabawasan ang addiction ng Pinoy fans sa Korea­novela.

LIZA DIñO SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with