Coco
Coco idinawit sa galit, Robin nagmistulang whistleblower sa Rami ng pasabog
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Ang daming nalalaman ng netizens sa kalakaran sa showbiz industry dahil kay Robin Padilla galing sa mga sagot nito sa tanong at comments ng netizens.

Sa nag-comment ng “#kamaganakcorp don’t bite the hands that feeds you”, sagot ni Robin, “hindi naman po kami namamalimos nagtrabaho po kami ng walang working hours.”

Sinagot din ni Robin ang nag-comment na gayahin na lang niya si Coco Martin na gumagawa ng teleserye at pelikula para makatulong sa mga artistang walang trabaho at para mabigyan ng second chance ang mga artistang napapabisyo.

“Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na nagkataon lang na wala akong ganang mag pelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera matagal na pong practice yan natutunan lang po yan ni direk Coco sa mga naunang action stars siguro po mainam sabihin niyo po kay direk Coco na ‘wag bubuhusan ng tubig ‘yung mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae. Si John Lloyd po ay isa sa mga artista ng abscbn na katulad ko ayaw na gumawa.”

Inakusahan si Robin ng netizen na may sama ng loob kay Coco, kaya may mga nasabi siya patungkol kay Coco.

Sagot ni Robin, “ang pagsasabi ng totoo ay hindi sama ng loob ang katotohanan ay masakit pero ito ay nagsisilbing panggising sa mga tulog. Peace be with you.”

Patuloy pa ni Robin, “@joanamarie715 mam bilang si direk coco po ang tumatayong tagapagtanggol ng mga artista ito po ba ay puwedeng mailapit niyo sa kanya galing sa aming mga artista. Halimbawa ‘pag gumawa tayo ng tv prog­ram or movie sa abscbn tapos ipapalabas nila sa tfc. Kikita sila ‘don ng malaki pero ‘di man lang tayo bibigyan kahit konti. Meron pa ngayon silang tv plus, i wanttv, kbo at kung ano ano pa. ‘Yung eksena natin sa tv ilalagay sa youtube channel nila kumikita po sila uli pero ni singko wala po tayo kapamilya pero patayan ang bilang ng oras ng pagte-taping na literal pati mga crew at director namamatay talaga.”

Isyu ang binanggit ni Robin na ginagawa ni Coco sa crew niya at sa location manager. Hintayin natin ang reaction ni Coco rito. Pati ang mga binanggit na kumikita ang ABS-CBN sa iwanttv, kbo, tv plus at iba pang isyu.

May nagsabi kay Robin na basahin ang IG post ni @akosilolitsolis at ang sagot dito ni Robin, “opinyon po ni mam lolit yan marahil nakalimutan na po ni manay ang mga ipinaglaban ni daboy. Praying for her good health always.”

Rhap nag-out na

Nag-out na si Rhap Salazar at ang maganda, siya mismo ang nag-out sa kanyang sarili at hindi ibang tao. Nag-post si Rhap ng photo ng dalawang lalake na topless at obvious na naliligo sa isang falls. May caption na “Today, let us celebrate LOVE” at may heart emoticon.

In fairness, positive ang nabasa naming comment, walang nag-nega at ang mga nag-comment, masaya para kay Rhap. Ang reklamo lang ng netizens, parehong nakatalikod sina Rhap at ang kanyang special someone at tila pareho pang malapad ang likod, hindi tuloy malaman kung sino si Rhap at kung sino ang BF niya.

Hindi pinangalanan ni Rhap ang BF, hintayin natin na siya mismo ang magbanggit ng name ng lalaking nagpapasaya sa kanya, ‘wag natin siyang pangunahan. Ang importante, masaya siya at deadma na sa bashers.

Vicky ala Face to Face ang bagong show

Sabi ng Kapuso viewers, parang kapareho ang concept ng bagong show ni Vicky Morales na Ilaban Natin ‘Yan sa show ni Amy Perez sa TV 5 dati na Face to Face yata ang title noon.

Ang kaibahan lang, sa studio ginagawa ang show ni Amy, samantalang ang bagong show ni Vicky ay sa labas ng studio.

Araw-araw na problema ng tao ang tatalakayin sa Ilaban Natin ‘Yan na ginawa rin ng Face to Face. Panoorin na lang natin ang show ni Vicky na magsisimula ang airing sa February 22 para malaman ang paano nila itu-tweak para hindi masabing pareho sa concept ng show ni Amy.

Ang Ilaban Natin ‘Yan  ang ipapalit sa Wish Ko Lang na matagal ding umere sa GMA-7. Eighteen years umere ang Wish Ko Lang  na isa sa magandang programs ng network and hopefully, ganu’n din katagal ang airing period ng bagong show ni Vicky.

Zoren ayaw ng dadbod

‘Katuwa ang rason ni Zoren Legaspi kung bakit ayaw niyang tumaba at kung bakit ayaw magkaroon ng dadbod (daddy body) kahit daddy na siya dahil sa dalawang anak na dalaga’t binata na.

Sexy daddy raw ang kadalasang role na gina­gampanan sa mga teleserye sa GMA-7 and he has to keep up with his image. Ang pangit nga naman kung sexy daddy siya tapos may beer belly. Kaya ayun, nag-i-effort siyang mag-workout, mag-diet at

kumain ng healthy.

Sa bagong GMA Afternoon show na Bilangin ang Bituin sa Langit, tatay siya ni Yasser Marta at asawa ni Ina Feleo na super sexy siya at in love pa rin kay Mylene Dizon. Kung ganyan ang role niya, kailangan ngang sexy siya at walang bilbil.

Sa February 24, na ang pilot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa direction ni Laurice Guillen.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with