Joshua
Joshua, gustong matutong bumaril
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2020 - 12:00am

Matapos sa MMA

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Joshua Garcia para sa pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Nakapag-training na ang aktor para sa naturang horror film. “Ramdam na ramdam ko nga ‘yung pain sa katawan ko eh. So far okay naman siya. Nagkatama ako sa mukha, akala nila pimple pero tama ito ng tuhod ko sa mukha.

Sumemplang ako, tapos may tama din ako sa tuhod. Okay naman ‘yung training. Kailangan mo talagang masaktan para matuto ka. Hindi hugot ‘yon ha pero ang galing ‘no, connected din sa buhay. Training lang ‘yung pinag-uusapan natin pero parang papunta na sa iba. So kahit ano pang pain ‘yung ma-experience ko sa pagte-training ko, okay lang kasi natututo naman ako. Lumalakas ang loob ko,” natatawang pahayag ni Joshua.

Ayon sa aktor ay mayroon na rin siyang alam ngayon sa Mixed Martial Arts. Natutunan niya ito para sa isa namang action film na gagawin sa Star Cinema. “Ngayon marunong na akong mag-MMA. Training ko naman ‘yon para sa isang movie ko sa Star Cinema. Nagte-train na rin ako ng boxing, jujitsu at saka ng Muay Thai. At least pinapawisan ako, wala naman akong sports. Di naman ako basketball player. At least hindi puro computer, pinapawisan na ako,” pagbabahagi niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na ring matutunan ni Joshua ang paggamit ng baril. “Sunod ko namang pag-aaralan ang pagbaril. Masarap daw mag-firing eh. Hindi ko pa siya na-try actually pero nakapag-try akong bumaril ng blank bullet lang. May impact pa rin, sa MMK gamit ‘yung machine gun,” pagtatapos ng aktor.

Lou, relate sa ginawa ni Desiree

Masayang-masaya ang Pinoy Big Brother housemate na si Lou Yanong dahil nakabilang sa Tabing Ilog the Musical na malapit nang mapanood ng mga tagahanga ngayong taon.

Gagampanan ng dalaga ang karakter ni Corinne na una nang ginampanan ni Desiree del Valle sa nasabing hit series na tinangkilik ng mga tagahanga noong 1999 hanggang 2003. Bilang paghahanda ay panonoorin daw ng PBB housemate ang original episodes ng Tabing Ilog. “I’m planning to watch the whole season at least until I can. Sobrang relate ko sa kanya with a brother like Fonzy, sobrang kulit niya. I really love my sisters plus my vibe with my friends,” nakangiting bungad ni Lou.

Personal na nag-audition ang baguhang aktres para sa nasabing role. Para kay Lou ay malaki talaga ang pagkakapareho nila ng ugali ni Corinne na kanyang karakter. “I love everything about her. I’m just so happy to tackle her story. It’s nice and I love it. I kind of relate, parang kung ano ako as a person, I feel like gano’n din si Corinne. Makulit ‘pag kasama ‘yung brother niya and ‘pag kasama niya ‘yung barkada niya. She’s kikay, she’s girly, as you can see is also me. And then ‘yung pagi­ging warm niya, we get along with a lot of people. Siya ‘yung kind of person who would pick up where you left off and I’m that kind of person,” paliwanag ng dalaga.  

(Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with