^

PSN Showbiz

Robin pinapalala lang ang isyu sa franchise renewal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Robin pinapalala lang ang isyu sa franchise renewal
Robin

Ewan ko kung bakit ang daming hugot ni Robin Padilla sa mga nagaganap ngayong balita tungkol sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Sa halip na makatulong ay parang lalo pang gumugulo ang issues, na pati ibang istasyon, isinasali na niya.

Kung anuman ang saloobin niya, ilatag niya ng maayos, sabihin niyang direct to the point at huwag paliguy-ligoy. Gusto niya na maayos ang sitwasyon pero parang ang dami pa niyang issues na binubuksan.

Sabi nga, dapat maliwanag ang posisyon mo, nasa left ka ba o right, hindi puwede na pa-safe na nasa gitna dahil mas ikaw ang masasagasaan, dapat meron kang side na kakampihan, at maliwanag dapat iyon.

Gusto ba niyang masara o hindi? Iyon lang, huwag na dagdagan pa ng issue na magkano ang kontrata ng artista, maayos ba lagay ng ibang tauhan, naging fair ba? Ayusin muna ang problema saka ipasok iyon iba pang dapat ayusin.

Maganda ang points mo Robin, pero ngayon, iba ang inaayos at iyon muna ang tingnan mo, huwag na ‘yung iba pang problema.

Concert nina Sarah at Regine apaw ang fans

Grabe raw ang dami ng nanood sa concert nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum, Salve. Apaw daw ang tao na walang takot sa coronavirus at tilian ng tilian tuwing kakanta ang dalawang diva.

Exciting din dahil nga nandun si Matteo Guidicelli na tanggap na tanggap na ng fans ni Sarah, at maganda daw ang repartee ng dalawang diva na siyempre feeling comfortable, dahil nga parang ate ni Sarah si Regine ever since.

Masarap makita ang ganitong suporta sa local concert natin na aminin natin affected much ng Korean K-Pop invasion talaga.

Congrats Sarah and Regine, bongga.

Araneta Coliseum parang tourist spot na rin

Parang tourist spot na rin ang Araneta Coliseum ha. Kasi yung manugang kong si Thomas, ang unang gusto puntahan sa Pilipinas noon ay ang Araneta. Nakilala ang Araneta Coliseum na ngayon ay Smart Araneta Coliseum na sa buong mundo nang lumaban doon si Muhammad Ali.

Very historical na rin dahil maraming naganap na pangyayari sa Araneta na hindi natin makakalimutan.

Para ngang nakilala mong mabuti ang Cubao dahil sa Araneta. At lucky tayo dahil ang bait ng may-ari ng Araneta.

Maitutu­ring mong PR ng Ara­neta at New Frontier si Veana Fores na laging open ang line sa atin ‘pag humihingi tayo ng tikets ng magagan­dang palabas sa venue na ito.

Para sa akin pinakamaganda at accessible na venue ang Araneta at New Frontier, malapit, maganda, malinis, at mukhang safe na safe.

Thank you Mama Veana Fores.

Koreanovela, iba ang atake sa pagpapaseksi!

Sa panonood ko ng Koreanovela, siguro nga na-mindset na ako na mas sexy iyong smack kissing lang at back hug kesa sa torrid kissing at todo yakapan.

Nasa mindset ko rin na mas sexy iyong subtle color ng lipstick kesa sa glaring red lips. Ibang-iba nga ang atake ng Koreans sa mga sexy scene, hindi tulad ng Hollywood na grabe ang halikan at yakapan, iisipin mo tuloy na di tulad ng very hot kimchi nila, medyo passive ang mga Korean dahil nga gentle ang mga lovescenes nila. Except sa art film na Frozen Flower, wala pa akong napanood na all naked scenes nila, kaya parang very clean ang cinema nila.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with